Kabanata 31

99 2 0
                                    

River's POV


Magulo. Nagsisigawan ang mga tao. Lahat may dalang kanya kanya nilang gamit papunta sa lugar kung saan sila pinapapunta nila Papa.


"River, halika na at umalis na tayo dito." Pagmamadali sakin ni Castrielle. Mabuti nalang at nandito si Castrielle nang mabalitaan namin na dumating na sila. Nakarinig kami ng napakalakas na pagsabog. Nagmula yun sa harapan at likod ng hoshiga. Dalawang bomba. Dalawang bomba ang ginamit nila para makapasok dito sa hoshiga para lang makuha ang bagay na wala naman dito.


"A-ano na bang balita kila Mama?" Nag-aalala kong tanong. May mga warrior na nakapalibot samin. Si Mama tsaka si Lola ay nandun daw kay Papa kaya kaming tatlo nila Castrielle ang nandito.


"Ligtas sila. Nandun na sila sa lugar kung saan pinapapunta ang mga tao ng hoshiga. Hinihintay na nila tayo. Halika na."


Buhat buhat ko si Ryan habang dala naman ni Castrielle ang iba pa naming gamit. samantalang ang ibang warrior ay nanatiling nakapalibot samin. Napansin ko 'rin na wala na masyadong tao dito. Malamang ay nakapunta na silang lahat dun. sana walang masaktan. Sana wala nanamang mamatay sa gulong it——


Nanlaki ang mata ko nang biglang may humarang samin na mga tao na nakasuot ng kulay itim na damit habang nakasuot ng panyong itim na natatakpan ang kanilang mga bibig at ilong. Napansin ko rin ang ilang kunai na nakasabit sa mga damit nila. Isa lang ang ibig sabihin nun,


Handa sila.


Handa silang lahat.


"River, pumunta ka sa likod ko." Seryosong sabi ni Castrielle habang inilalabas ang kunai nya. Naiiyak ako. Bakit kailangan mangyari 'to.


"C-castrielle."


"Lahat kayo! Gawin nyo lahat para hindi masaktan si River at Ryan! Wala kayong ibang gagawin kundi masiguro ang kaligtasan nila at kaligtasan nyo! Hindi ito utos bilang nakakataas na angkan sa inyo! Utos ko 'to bilang isang warrior at bilang isang kaibigan!" Literal na bumilis ang tibok ng puso ko ng sabay sabay sumang ayon ang mga warrior na nakapalibot samin. Eto nanaman sila, handa nanaman silang ialay ang buhay nila para samin.


Tiningnan ko si Ryan na natutulog habang buhat buhat ko. Nakabalot sya sa puting tela hanggang ulo. Napakahimbing ng tulog ng anak ko na parang walang gulo ang nangyayari sa mga oras na 'to.


Kaya ko pang lumaban. Alam kong kaya ko.


Nang magsimulang kumilos ang mga taong nasa harapan namin, ginawa lahat nila Castrielle para hindi kami masaktan ni Ryan. Pero hindi mawawala doon, ang masaktan sila. Ilang minuto ang lumipas at halos tumumba na si Castrielle sa harapan ko dahil pagkatapos ng ilang taong humarang samin kanina, may panibago nanamang dumating. Para bang, kami talaga ang ipinunta nila dito. At wala ng iba pa.


"Castrielle." Tawag ko kay Castrielle na masama na ang tingin sa mga kalaban dahil sa mga sugat na natamo nya.


"L-lumayo ka muna sakin River. Baka masaktan ka dito."


"H-hindi, kaya kong lumaban." Hindi lang sya kundi pati na rin ang ibang warrior na sugatan ay nagulat sa sinabi ko. Lahat sila napatingin sakin.


"P-pero River, sugatan na kaming lahat. Hindi pwedeng pati ikaw ganon ang mangyari. K-kaya pa naman namin eh." Nag-aalangan na sabi ni Castrielle. Ni hindi nya sigurado kung kaya pa nila!


"Hindi ko kayang nakikitang ganito nanaman kaya hayaa—"


"Sino ba kasing nagsabi sa inyo na si River lang ang lalaban?" Dahan dahan akong napalingon sa taong biglang nagsalita at gusto kong maiyak nang tuluyang makita ang itsura nya.


Battle Of Hearts (Book 2)Where stories live. Discover now