Kabanata 34

99 3 0
                                    

River's POV


Literal na napanganga ako sa sinabi ni Rio. Nakangisi pa sya nang sabihin ang mga salitang yun na nakapagpatiim bagang sa taong nasa harapan namin.


"Muli tayong nagkita, Hans."


"Rio. Rio Petrucelli." Nakangiti na si Hans Kasubaki nang sabihin yun.


Ano ba 'tong napapanood ko?


"Hindi ba't nag-usap na tayo nung nakaraan Hans?" Sabi ni Rio. "Akala ko ay susundin mo ang utos ko."


"At bakit naman kita susundin Rio?" Madiin at parang galit na sabi ni Hans.


"Bakit hindi? Baka nakakalimutan mo, ako dapat ang nasa pwesto mo sa mga oras na 'to kung hindi ko tinanggihan ang alok ng tatay mo na maging parte ng grupo nyo." Para akong nalagutan ng hininga sa sinabi ni Rio. Parang hindi ko nanaman sya kilala dahil sa narinig ko. Ilang impormasyon pa ba ang kailangan kong malaman tungkol sayo Rio?


"Hindi mo ko utusan." Galit na talagang sabi ni Hans na ikinakibit balikat ni Rio bago tumingin ng diretso sakin at sa gitna ng sitwasyon na 'to nakuha pa nyang pitikin ang noo ko!


"Ang tigas ng ulo mo noh? Bigla bigla mo nalang iniwanan ako at ang anak mo dun. Gusto mo bang ikulong kita sa bahay?"


Argh! Ganito talaga si Rio! Kahit alam nyang may mga kalaban sa harapan nya, nakukuha nya pang maglaan ng oras sa ganito!


"U-umayos ka nga." Mahina kong sabi na ikinatawa nya bago umayos ng tayo.


"May kailangan pa ba kayong sabihin? Alam mo naman ng wala samin ang likido pero sumugod pa 'rin kayo dito. At isa pa, alam ko naman na bukod sa likido may isa ka pang ipinunta dito hindi ba?" Seryoso ng tanong ni Rio. "Gusto mong patayin ang pamilya ko para makaganti sakin."


Kita ko ang pagngisi ni Hans sa sinabi ni Rio.


"Pero dapat bago ka palang pumunta dito, naisip mo nang hindi ko hahayaang mangyari yun." Wala pa atang ilang segundo ay nakatutok na sa leeg ni Hans ang espada na hawak hawak ni Rio.


At sa mga oras na yun, dun ko lang napansin ang lahat.


Galit si Rio.


Galit na galit sya.


"Mautak ka, Hans. Pero mas matalino ako sayo. At isa pa, nahigitan ko na ang grupo nyo. Tinitingala na ako dahil sa ginawa ko sa napakaiksing panahon kaya dapat alam mo na kung ano ang kaya kong gawin sa mga oras na 'to."


R-rio....


"Papatayin kita, Rio." Madiin na sabi ni Hans habang nakatingin ng diretso kay Rio na ngumisi lang sa kanya.


"Hindi ba't ako dapat ang magsabi sayo nyan dahil sa ginawa mo kay Kapitan?" Napaangat ako ng tingin dahil sa sinabi ni Rio. Bigla kong naalala yung kay Lolo. Hindi ko maiwasang maikuyom ang kamao ko. Sya nga pala ang pumatay kay Lolo. "Papatayin kita. Doble pa sa sakit na binigay mo kay Kapitan at sa mga taong nangulila dahil sa kagaguhan mo." 


Callie's POV


Hindi namin alam kung nasaan na ang mga kaibigan namin dahil nanatili kaming nakatago sa isang pwesto. Nasa kalahati na kami dahil napatay na namin ang iba. Hindi pala talaga biro ang dami ng grupong ito. Napakadami nila.


Battle Of Hearts (Book 2)Where stories live. Discover now