Kabanata 13

100 4 2
                                    

River's POV


Ilang araw na ang lumipas at hanggang ngayon ay wala akong nakukuhang impormasyon. Kinuha ko ang pangpana ko at muling inasinta ang target ko. Nandito ako ngayon sa likod ng bahay dahil pansamantalang umalis si Rio. Sabi nya ay pupuntahan nya lang daw si Tris. Hindi din naman ako sumama dahil tinatamad ako at ang dami ko 'ring iniisip. Hindi ko alam kung makakasabay pa ba ako sa mga biro ni Tris.


Kagaya ng nakasanayan, ipinikit ko ang isang mata ko para maifocus ko ang arrow sa tamang papatamaan ko. Napangiti agad ako ng makitang sumakto yun sa target ko. Siguro ay mamaya ako magsasanay ng kunai.


Kinuha ko ang mga arrow na nakatusok sa puno at dun ko lang napansin si Rio na nasa magkabilang bulsa ang kamay habang nakasandal sa pader at pinapanood ako. Hindi ko alam kung ilang oras na sya dyan pero hinayaan ko lang at muling nagfocus sa pagpapractice.


Alam kong tama ang ginagawa ko dahil kung hindi, malamang sa malamang makikialam yan si Rio.


Ilang beses pa akong nagpakawala ng arrow bago ko na hinarap si Rio na ganon parin ang itsura. Pinapanood lang ako sa bawat galaw ko. Mukha syang tanga.


"May sasabihin ka ba?" Kunot noong tanong ko habang pinupunasan ko ang pawis ko. "Bakit ganyan ka ba makatingin?"


"Tss."


"Ano?" Inis na tanong ko na.


"May panibagong misyon."


"Ayun lang naman pala sasabihin mo gan—-ano?!"


"Tss. Pinapapunta na lahat ng warrior dun." Natural na sabi nya na ikinangiti ko. Dali-dali kong kinuha ang pangpana ko at agad na inabot sa kanya yun para makaligo sa itaas. Ilang minuto lang naman ang itinagal ko bago ko sinalubong si Rio na mukhang malalim ang iniisip. Nung isang araw pa syang ganyan. Minsan ay hindi pa nya naririnig ang pagtawag ko. Tss. Hindi naman sya ganyan kaya naninibago ako.


"Tara na Rio." Yaya ko pero mukhang wala nanaman syang narinig. Napabuntong hininga ako at lumapit sa kanya. Umupo ako sa lamesa sa harap kaya unti-unti syang nag-angat ng tingin sa mukha ko. "Ano bang problema?"


"Huh?"


"May problema ba?"


"Wala." Natural na sagot nya at hinila ako papalapit sa kanya. Naramdaman ko kaagad ang pagpulupot ng braso nya sa bewang ko at ang bahagyang pagsiksik ng mukha nya sa leeg ko. "Alam mo namang wala akong problema kapag kasama kita."


"Eh bakit parang ang dami mo palaging iniisip?"


"Sa misyon yun. Pakiramdam ko kase hindi nanaman kita kasama ngayon." Hindi ko alam pero lihim akong napangiti dahil sa sinabi nya. Yun ang gusto ko. Ayoko munang makasama kahit sino sa kanila sa misyon na 'to dahil may kailangan akong malaman. Gusto kong maghanap ng impormasyon kahit kaunti lang.


"Ano naman? Magiging ligtas naman ako." Sagot ko kaya dahan dahan syang tumingin sa mukha ko. "Hindi mo kailangang mag-alala dahil magiging ligtas ako. Hindi ko pababayaan ang sarili ko kaya wag mo rin pababayaan ang sarili mo."


"River."


"Hmm?" Takang tanong ko dahil nanatili syang nakatingin sa mukha ko.


"Mahal na mahal kita."


"Mas mahal kita." Nakangiti kong sabi na ikinatawa nya.


Battle Of Hearts (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon