Special Chapter

178 4 0
                                    

River's POV


Ilang araw matapos ang kaguluhan ay naging maayos na ulit ang hoshiga. Inaayos na ang ilang gusali na nasira. Tahimik na 'rin at bumalik ang masiglang hoshiga. Nakakatuwa.


Ang yasha ay umalis na 'rin matapos makumpirma na tapos na ang labanan. Nangako pa sila na babalik sila para muling protektahan ang hoshiga. Hindi ako makapaniwala sa lahat ng nalaman ko.


*sigh*


Kapag nasa tamang edad na si Ryan, siya na ang papalit sa pwesto ni Rio bilang pinuno ng yasha. Hanggang ngayon ay hindi pa 'rin ako sang-ayon sa ideyang 'yun.


"Mukha kang tanga." Saway ko kay Rio na ngising-ngisi habang nakatingin sa mga papel na nakalatag sa harapan namin. Mga parangal na nakuha ni Ryan sa paaralan. Tuwang-tuwa siya. Gusto pa atang ilagay sa frame ni Rio lahat.


"Kanino pa ba magmamana?"


"Sa akin. Malamang hindi sa'yo noh." Nakangisi kong sabi na ikinalingon niya.


"Kaya pala ang sabi ng mga grupo ko, lahat daw nakuha sa akin. Tss."


"At tuwang-tuwa ka naman?" Sabi ko na ikinatango niya. "Malamang ikaw ang pinuno nila, ikaw ang papaburan nila." Barumbadong sabi ko at kukunin na sana 'yung mga papel nang pigilan niya ang kamay ko.


"Teka nga," Nakangisi niyang sabi kaya tumingin din ako ng diretso sa kaniya. "Nung nakaraan ka pa, ah. May galit ka ba sa akin?"


"Oo. Kaya lumayas ka diyan at magliligpit ako. Sunduin mo na si Ryan."


"Samahan mo na 'ko."


"Anim na taon ko na 'yun ginagawa. Malamang sa malamang, hindi pagmumukha ko ang hinahanap ng anak mo doon. Umalis ka na." Napabuntong-hininga pa ako bago naglakad paakyat para itago ulit 'yung mga papel sa kwarto ni Ryan.


Napangiti pa ako nang makita 'yung ilang laruan niya na nakalagay sa cabinet. Tinulungan siya mag-ayos ni Rio. Natutuwa ako kasi kitang-kita ko ang saya sa mga mata ng anak ko dahil doon.


Wala na ata akong ibang mahihiling pa kundi ang kasiyahan ni Ryan.


Naglakad na ako palabas ng kwarto ni Ryan at agad na isinara ang pintuan. "Ay putcha! Ano ba?!" Inis na sigaw ko kay Rio! Paano ba naman?! Nakasandal siya doon sa gilid habang nakatingin ng diretso sa akin! Parang papatay!


"Tss. Anong problema?"


"A-anong, anong problema?" Naiilang na tanong ko at bahagya pang umatras nang maglakad siya papalapit.


"Napapansin ko iwas ka sa 'kin."


"Binibigyan ko lang kayo ng time ng anak mo."


"Tss. Kung tungkol 'to doon sa yasha. Hindi na nga ako aalis." Seryoso at diretso niyang sabi. "Pero kung tungkol 'to kay Ryan at dun sa mamanahin niya,"


"Hindi ako papayag." Madiin na sabi ko habang nakatingin ng diretso sa kaniya. "Hindi ako papayag na pati 'yung anak ko mawala sa akin. Tapos hindi ko man lang malalaman kung kamusta na ba siya kasi nasa kasunduan. T-tapos, anong mangyayari? Hindi ko na——"


"Shh." Bigla niya akong niyakap. "Wag muna natin isipin 'yan ngayon, hmm? Anim na taong gulang palang si Ryan. Dadating 'yung panahon na mapag-uusapan din natin 'yan."


Battle Of Hearts (Book 2)Where stories live. Discover now