Kabanata 4

183 4 2
                                    

River's POV


"Dito ka inilagay ng Sage?" Tanong ni Mikael na ikinatango ko. Natawa naman sya at tinapik lang ang balikat ko. Nakakalungkot. Ilang araw ng wala si Rio. Samantalang ako, simula nung nawala sya wala na akong ibang ginawa kundi gumawa ng misyon dito sa loob ng hoshiga.


Nung una, kinailangan kong hulihin yung pusa na nawawala huhu. Pangalawa naman na ibinigay ni Papa ay pinagtanim nya ako ng mga gulay. Eto na yung pangatlo. Dito sa station ang bagsak ko. Literal na madali nga yung gagawin ko.


"Kasama mo naman ako. Wag ka mag-alala." Pagpapagaan ng loob sakin ni Mikael na ikinangiti ko.


"Kaya nga eh. Yun din ang naisip ko. Para naman may makausap din ako."


"Pfft. Ilang araw na bang wala sila Rio?" Tanong nya sakin bago inabot ang isang box. Hindi ko tuloy maiwasan na pagmasdan sya.


Ang ganda-ganda ni Mikael....


"Tatlong araw na."


"Kelan daw ang balik?"


"Hindi nya daw alam eh. Kung kelan matatapos ang misyon. Si Maxie at Kuya ang kasama nya." Natural na sabi ko bago sumunod sa kanya sa paglalakad. May bitbit kasi syang dalawang box. Ilang kapulisan pa ang nakasalubong namin bago kami nakarating sa stock room ng station.


"Oo nga pala, nandito si Professor Harlyn?" Tanong ko sa kanya na ikinatango nya. "Pwede ko ba syang—-"


"Hindi." Pigil nya sa sasabihin ko.


"B-bakit naman?"


"Nasa pinakadulo nakakulong si Professor Harlyn. Dun kinukulong ang mga tao na dito na mamamatay sa kulungan." Seryoso nyang sabi at isinara ang pintuan. "Hindi biro ang ginawa ni Professor Harlyn. Sa katunayan nga ay kulang pa ang parusa na natanggap nya."


"Anong ibig mong sabihin?" Nagtataka kong tanong na ikinatingin nya ng diretso sakin.


"Bukod sa pagtataksil sa kabuuan ng hoshiga, sinugatan ka pa nya. Hindi biro ang angkan ng mga Riciardelli, River. Hindi kayo basta basta angkan lang. Nakalimutan nya ata na ikaw ang anak ng sage at kung sino ang manakit dun, ay makakatanggap ng napakabigat na parusa." Napalunok ako sa sinabi nya. Alam ko naman ang tungkol dun pero nagugulat pa 'rin ako. "Ang gusto pa nga ni Aiken ay patawan ng kamatayan si Professor. Pero hindi na pwede yun dahil naging maayos naman ang kalagayan mo. Siguro kung may nangyaring masama sayo, hindi na humihinga si Professor sa mga oras na 'to."


"K-kamusta na pala yung pamilya nung mga warrior na nasawi?" Naiilang kong tanong na pilit nyang ikinangiti.


"Ganon pa 'rin. Hindi biro ang sakit na naranasan nila. Mahal sa buhay ang nawala, River. Kahit ako ay magagalit kung sakali mang mangyari sakin ang bagay na yun. Masyadong masakit lalo na't nanatili lang silang nakatago habang nakikipaglaban ang isa sa kapamilya nila. Iba't iba ang naging dulot ng pagsugod ng bedropelli sa kabuuan ng hoshiga. Kaya nga sana hindi na maulit yun eh. Masyadong nakakatakot."


Natahimik nalang ako sa sinabi nya. Buong araw ay wala akong ibang ginawa kundi ang sumunod kay Mikael. Hindi pala talaga biro ang trabaho nya. Kaya pala palagi syang napipikon kay Simon kapag pumupunta yun dito. Malamang eh nakakaabala ang isang yun. Sa ingay ba naman ni Simon. Pfft.


"Papasukin nyo ako! Kailangan kong mapatay ang taong yun!" Agad akong napaatras nang may dumating na matandang lalaki na may hawak hawak na itak. Umawat naman ang ibang pulis na nasa malapit. Kahit si Mikael ay pinigilan ang matanda. "Hindi ako matatahimik hangga't hindi napapatay ang taong yan!"


Battle Of Hearts (Book 2)Where stories live. Discover now