Kabanata 11

109 3 0
                                    

River's POV


Kinabukasan ay napagpasyahan namin na maglinis ng bahay ni Rio. Sya ang bahala sa mga buhatin at ako naman sa iba. Halos hindi na kami masyadong nag-uusap sa sobrang daming ginagawa.


"Rio!" Inis na sigaw ko mula dito sa itaas.


"Ano?" Kunot noo naman nyang tanong habang inililipat ang sofa sa gilid.


"Diba sabi ko sayo ilagay mo 'tong jacket mo dun sa labahan. Bakit nakasampay nanaman?"


"Tss. Nakalimutan ko ilagay, sorry."


"Nakalimutan nanaman. Nung nakaraan pa 'yan." Reklamo ko pero tawa na nya ang narinig ko sa mga oras na 'to. Padabog tuloy akong bumalik sa kwarto at ilalagay na sana yung jacket sa labahan nang mapansin ang kung ano sa bulsa nito.


Agad kong kinuha yun at napakunot ang noo ko sa nakita ko. Panibagong sulat nanaman. Itim na sulat nanaman. At sa mga oras na 'to panibagong tibok ng puso ang nakapagpakaba sakin.


Ano nanamang laman nito?


"Bat wala?" Nagugulat na tanong ko dahil pulos itim nalang yun. Itim na papel na walang kahit na ano mang sulat. Wala akong makita maski isang letra kaya dali dali ko nalang ibinalik yun sa jacket nya.


Sinong nagpapadala ng sulat na yun kay Rio?


"River." Tawag ni Rio sakin kaya dali dali kong isinara ang pintuan ng cr at pinuntahan sya sa sala. Bahagya pang kumunot ang noo ko nang mapansin ang ilang warrior na mukhang kinausap si Rio. Paalis na ang mga yun sa mga oras na 'to.


"Bakit? Anong sinabi nila sayo?" Nagtataka kong tanong. Seryoso nya lang akong tiningnan. Wala syang gustong sabihin kaya nagtataka na talaga akong tiningnan sya ng diretso sa mata. "Anong nangyari?"


"May natanggap akong balita mula sa station." Seryoso nyang sabi na ikinamaang ko.


"A-ano naman yun?" Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit.


"Patay na daw si Professor Harlyn.." Wala sa sarili akong nag-angat ng tingin kay Rio dahil sa sinabi nyang yun.


"P-paanong?" Imposible namang...


"Pinapapunta tayo ni Papa sa opisina. Nandun na sila Kuya. Tayo nalang ang hinihintay." Ramdam ko ang paghawak ni Rio sa kamay ko pero parang wala na ako sa sarili ko habang naglalakad papunta dun. Pareho kaming tahimik. Walang gustong magsalita. Kakaiba ang epekto ng balitang yun samin.


May sakit ba si Professor Harlyn? Kasi imposible talaga na mamatay sya ng ganon ganon lang. Natagpuan namin si Mama, Papa, Tris at si Kuya na pare-parehong kunot noo habang nag-uusap usap. Hinila na ako papalapit ni Rio dun kaya nakuha namin ang atensyon nilang lahat.


"Anong nangyari?" Tanong ni Rio na ikinabuntong hininga ni Tris.


"Pinatay si Professor Harlyn."


"A-ano?" Di makapaniwalang tanong ko na ikinatango lang ni Tris. Akala ko ay may sakit sya pero....pinatay? Nino?


"Natagpuan sya kaninang umaga...,wala ng buhay at ang malala pa dun," Pambibitin ni Tris at tumingin sakin ng diretso. Sakin. Ramdam ko nanaman ang kaba ko. "Yung pagsaksak ng espada kay River nung nakaraang gulo....,ganon din ang nangyari kay Professor....,parehong pwesto."


Battle Of Hearts (Book 2)Where stories live. Discover now