Kabanata 29

111 3 0
                                    

Aiken's POV


Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maging reaksiyon ko. Dapat ba akong matuwa o dapat akong matakot. Hindi ko na alam.


Nang sabihin ni Papa ang balitang manganganak na si River, kagaya nya para na 'rin akong nawala sa sarili ko. Hinila nalang ako nila Reese ngayon papunta sa Hospital. Dinala na daw kasi nila Mama dun si River.


"Hala! Naeexcite ako! Ngayon nalang ulit ako may mahahawakan na sanggol." Rinig kong sabi ni Maxie pero wala na talagang pumapasok sa utak ko. Pakiramdam ko, anak ko ang ipapanganak sa mga oras na 'to.


Pagdating namin sa Hospital ay naabutan naman sila Mama dun. Agad syang nilapitan ni Papa at ikinwento naman ni Mama na kumakain lang daw ng mangga si River sa sala nang bigla syang tawagin dahil sumasakit na daw yung tiyan.


Alam kong matapang ang kapatid ko. Malalagpasan nya 'to.


Ilang oras kaming naghintay sa labas ng delivery room ng hospital. Natatakot na ako. Ilang oras na ang nakalipas at hindi pa sya lumalabas. Ano na bang nan—-


"Nasan si River?" Sabay sabay kaming napalingon kay Rio na bahagya pang hinihingal. Nasa likuran nya si Tabitha, Kalen at Rehan na ganon din ang itsura.


"Nasa loob pa, anak. Magpahinga muna kayo at mukhang malayo ang itinakbo nyo." Sabi ni Mama kay Rio na tumango lang sa kanya. Akala ko ay magpapahinga si Rio pero nakita ko nalang sya sa harapan ng pinto ng delivery room. Hindi mapakali. Hindi din makausap dahil parang lumilipad ang utak. Gusto ko man matawa ngayon pero hindi ko magawa. Ngayon ko lang nakitang kinabahan ng ganyan si Rio. Pfft.


"Anong nangyari sa lakad nyo?" Rinig kong tanong ni Callie kay Rehan. Bahagya ko pang nakita ang pag abot nya ng panyo kay Rehan.


"Naging maayos naman yun kagaya ng napag-usapan. Kaya lang nung nandyan na kami sa gate ng hoshiga, sinabi samin ng isang warrior na nasa hospital daw kayong lahat dahil manganganak na si River. Jusko. Kung alam nyo lang. pfft." Natatawang kwento nya na kaya pati si Kalen at Tabitha na bahagyang nakikinig ay natatawa na rin.


"Bakit? Anong nangyari pagkatapos nun?" Tanong ni Remmie.


"Biglang nawala ang pinuno sa harapan namin." Tumatawang kwento ni Tabitha. "Ang bilis nya. Kaya kinailangan pa naming makahabol. Hindi na 'rin namin sya nakausap magmula nun. Kagaya nyan." Turo nya kay Rio na kagat kagat ang daliri habang nagbabalik balik sa harapan nung pinto.


"Tss. Kahit sino naman atang lalaki kapag nalaman nila na manganganak na ang asawa nila ganyan din ang magiging reksiyon." Sabat ni Kalen kaya napalingon kaming lahat sa kanya.


"Bro, ayos lang 'yan bro." Madramang sabi ni Simon at niyakap si Kalen na kunot ang noo. "Bumuo na nga kayo ni Kalen, Remmie. Para malaman namin kung totoo yung sinasabi nya."


"Siraulo ka ba?" Taas kilay na tanong ni Remmie kay Simon. Pero lumingon lang si Simon ulit kay Kalen.


"Ayos lang yan, bro. Ayaw nya pa, bro."


Pfft.


"Tss. Lumayo ka nga sakin at baka may masabi akong hindi mo magustuhan." Nakasimangot na sabi ni Kalen na ikinahalakhak lang ni Simon.


"Nagagawa ng mga iniwan noh?" Pang-aasar ni Finn na inismiran lang ni Simon.


"Kung maka-ano ka naman. Hindi mo nga sigurado kung gusto ka pa ba ni Fara."


Battle Of Hearts (Book 2)Where stories live. Discover now