Kabanata 12

109 3 0
                                    

River's POV


Naiiyak ako. Pakiramdam ko panibagong problema nanaman yung dinala ko. Panibagong gulo nanaman yung haharapin ko. At ngayon, anong mangyayari? May mawawala nanaman? Hindi ko na kayang makakita ng ganon. Ayoko na. Tama na.


"River, hindi mo naman kasalanan yun eh." Nag-aalalang sabi ni Reese nang makarating kami sa isang silid. Dito nya ako dinala hindi sa opisina ni Papa. Pagkakatanda ko, dito nakalagay ang mga dokumento ng hoshiga.


"Lahat kayo yan ang sinasabi sakin....,tama na Reese....,alam naman nating lahat kung ano ang gusto nila....,at yung likido yun na hanggang ngayon hindi ko alam kung nasaan." Mahinang sabi ko sa kanya. "Natatakot ako sa mga mangyayari nanaman. Natatakot na ako ngayon palang."


"Hindi na mangyayari yun River." Pagpapagaan nya ng loob sakin. "Kaya nga maaga palang, bumubuo na ng plano sila Aiken diba? Hindi mo ba napansin? Lahat ay gustong tumulong para maprotektahan ang village na ito. Kaya 'yun nalang din ang gawin natin. Wag mo na isipin pa yung mga bagay na hindi pa naman nangyayari. Kumalma muna tayo, hmm?"


"Paano ako hindi mapapakali Reese?" Emosyonal na sabi ko na ikinatingin nya. "Kung sa bawat galaw ko ay alam kong may nakatingin sakin. May gustong kumuha ng buhay ko. Natatakot ako. Ayokong mangyari nanaman yung dati. Ayokong saktan nanaman yung mga taong....,walang ibang ginawa kundi ang protektahan ako."


"Hindi naman na mangyayari yun eh." Paninigurado nya sakin. "Alam kong hindi na mangyayari yun." Napatitig ako sa kanya at wala sa sariling napabuntong hininga. Sana nga tama si Reese. Sana tama lahat ng sinasabi nya.


"Ang totoo nyan natatakot kase ako sa mga bagay na pwede ko pang malaman." Seryoso kong sabi na ikinalingon nya. Parang nakuha nun ang atensyon nya. May nalalaman ka ba na hindi ko nalalaman Reese?


"Anong ibig mong sabihin?"


"Marami pa akong hindi nalalaman. Sa mga nangyari dati hindi ko alam kung may imposible pa ba sa mundo. Paano nalang kung may sikreto nanamang itinatago? Paano kung ganito nanaman tayo pero may mas malaki pa palang problema yung dadating? Nakakapagod. Palagi nalang ganito yung takbo ng buhay ko."


Ramdam ko ang pamumuo ng luha sa gilid ng mga mata ko. Totoong natatakot ako sa mga pwede pang mangyari.


"Hindi ako mapapakali hangga't hindi ko nakikita ang likidong yun...,hindi tayo tatatantanan ng mga kalaban kung alam nilang nasa akin yun....,hindi ba sinabi mo na nagpapasalamat ka dahil dumating ako sa hoshiga?" Tanong ko na ikinaangat ng tingin nya. "N-ngayon ba...,nagpapasalamat ka pa 'rin?"


"R-river."


"H-hindi naman talaga maganda ang dala ko sa lugar na 'to....,ang totoo nyan, nung dumating ako sa lugar na 'to nagsimula na ang mga gulo.....,at pakiramdam ko walang pwedeng sisihin na iba kundi ako lang." Agad kong pinunasan ang luha ko nang biglang bumukas ang pintuan. Bumungad dun si Rio na agad tumingin sakin. Nahihiya ako. Nasigawan ako ni Rio kanina dahil sa mga sinabi ko. Alam kong hindi nya nagustuhan yun.


"Umuwi na tayo." Nakangiti nyang sabi bago inilahad ang kamay nya sa harapan ko. Gusto ko pang magulat dahil akala ko ay iiwanan nya ako at hahayaang umuwi mag-isa. Pero mukhang hindi na yun pinansin pa ni Rio dahil nasa harapan ko sya ngayon. Kinukuha nanaman ang kamay ko.


"M-mauna na kami Reese. P-pasensya na." Paalam ko kay Reese na bahagya lang akong nginitian bago ko kinuha yung kamay ni Rio.


Tahimik kami habang naglalakad pauwi ng bahay. Walang gustong magsalita. Hindi ko na 'rin naman sinubukan dahil marami akong iniisip ngayon. Ang dami kong gustong gawin at magagawa ko lang yun sa oras na mabigyan ako ng panibagong misyon.


Battle Of Hearts (Book 2)Where stories live. Discover now