II. Kabanata 43

162 5 7
                                    

River's POV


Ilang araw na ang lumipas pero hindi pa 'rin nawala sa isip ko ang mga sinabi ni Tabitha. Hindi ako makapaniwala. Paano nangyari 'yun?


Nalungkot ako sa mga nalaman ko pero alam ko 'rin naman na wala akong magagawa. Ilang beses kong sinubukan hanapin si Rio pero hindi ko nagawa.


Napabuntong-hininga ulit ako bago ko isinara ang pintuan ng bahay namin. Pupunta ako sa opisina ni Kuya. Si Ryan naman ay hiniram na ng hiniram nila Tabitha. Hinayaan ko na 'rin dahil alam ko namang sabik lang sila na makita si Ryan. Naiintindihan ko 'yun.


Kita ko ang kunot-noong si Kuya pagpunta ko sa opisina niya. Gusto ko biglang matawa. Ganito na ba palagi ang maabutan ko sa tuwing pupunta ako dito? Tss.


"Sabi sa'yo itapon mo nalang 'yan lahat, eh." Dire-diretsong sabi ko kaya nag-angat agad siya ng tingin sa akin. Bahagya pa siyang ngumiti bago sumunod sa akin na maupo sa sofa dito sa opisina niya. "Kamusta ka naman kuya? Balita ko magbibigti ka na daw sa dami ng problema, ah?" Natatawa kong sabi na inismiran niya.


"Eh, ikaw kamusta ka naman? Balita ko mag-isa ka lang nitong mga nakaraang araw, ah." Sumama agad ang tingin ko sa kaniya dahil sa sinabi niya.


"Anong ibig mong sabihin, huh?"


"Hindi ko na makita si Ryan. Hindi na pumupunta dito. Nalulungkot tuloy si Harken."


"Ang an——"


"Hay nako." Sabay kaming napatingin sa pintuan ni Kuya nang biglang pumasok si Mike na may bitbit na folder at walang pagdadalawang isip na umupo sa tabi ni Kuya at muling bumuntong-hininga.


Bahagya pa munang umiwas si Kuya bago nagtanong. "Anong nangyari sa'yo? Wag mo sabihin na babae 'yan?"


"Ilang beses ko bang sasabihin sa inyo na wala pa nga akong nakikitang babae na papantay sa akin? Tss."


"Napaka-arte mo naman kasi Mike." Sabat ko kaya agad niya akong tinaasan ng kilay. "Ang dami-dami namang maganda dito sa hoshiga. Kung hindi man dito, nandiyan naman ang San Andres."


"Hoy! Ikaw!"


Nanlaki ang mata ko sa biglaan niyang pagsigaw. "Anong problema mo?"


"Hindi ko na mahiram si Ryan!" Literal na nagtatampo na sabi niya na ikinatawa ko. "Inintindi ko naman kasi baka namiss lang nila Kalen pero hindi na ako makasingit! Dapat may schedule tayo kung sino ang hihiram kay Ryan!"


"Oh, bakit sa akin ka nagagalit?" Reklamo ko din. "Hindi naman ako ang humiram."


"Tss." Masungit na sabi niya bago tumingin kay kuya. "May gusto pala akong itanong."


Sabay pa kaming napaayos ng upo ni Kuya at tumingin ng diretso kay Mike.


"Ano?"


"Anong sadya nila Tabitha dito?"


"Tss. Akala ko naman kung ano. Bumalik na nga daw sila." Nakangiwing sabi ni Kuya na parang naririndi siya kay Mike.


Battle Of Hearts (Book 2)Where stories live. Discover now