Kabanata 9

108 4 0
                                    

River's POV


Lumipas ang limang araw na pananatili namin dito sa barangay bagakay. Hindi naman ganon kahirap ang naging misyon namin. Sa katunayan ay natapos na namin agad yun dahil sa nakakabilib na kilos at pagpaplano ni Kalen. Nakikita ko sa kanya si Rio. Hindi ko alam kung bakit ganon.


Napabuntong hininga ako habang nakatanaw sa labas habang hinihintay si Maxie na bumibili ng pasalubong. Paalis na sana kami pero may nakita daw syang magandang ibigay kay Killian. Tss.


Kinuha ko ang libro na hawak ko at tiningnan ng maigi yun. Dahil maaga natapos ang misyon namin, nakuha ko pang magbasa ng libro. Nasa kalahati palang ako kaya hindi ko alam kung kaya ko bang tapusin 'to o hindi. Kapag sinipag siguro ako. Pero kilala ko ang sarili ko. Psh! Alam kong tamad ako.


"Matagal pa ba sya?" Tanong ni Kalen na kunot noong nakatingin sakin. Kanina pa sya dyan.


"Puntahan mo na. Hindi ko rin kasi alam." Kibit balikat na sabi ko. Ramdam ko naman ang titig nya sakin kaya ng mag-angat ako ng tingin ay kita ko ang nakakunot na noo nya. "B-bakit?"


"Tss. Hindi ako pwedeng umalis dito." Seryoso at napapabuntong hininga nyang sabi. Kaya ako naman ngayon ang napakunot ang noo.


"Bakit naman?"


"Basta." Masungit na sabi nya at tumingin ng diretso sakin. "May gusto akong itanong sayo."


"Na naman?" Bagot na tanong ko. Nung nakaraan pa sya tanong ng tanong. Samantalang wala kaming makuhang sagot mula sa kanya. Masyadong matalino ang isang 'to. Lahat ng lumalabas sa bibig nya ay halatang pinag-iisipan ng mabuti.


"Tss. Sagutin mo nalang."


"Ano ako? Uto-uto? Ayoko nga." Nakangiwi kong iling at nangalumbaba sa lamesa. Napakatagal ni Maxie. Gusto ko na umuwi.


"May gusto lang akong malaman."


"Lahat naman ay gusto mong malaman." Natural na sabi ko at tiningnan sya ng diretso sa mata. "Bakit ba interesado ka sa buhay ko?"


"Tss. Hindi ba't kahanga-hanga ang naging takbo ng buhay mo?"


"Anong ibig mong sabihin?" Nagugulat na tanong ko. Kahit wala pa syang sinasabi ay pakiramdam ko alam nya ang lahat. Pero papaano. "Hindi ako nakikipaglaruan sayo Kalen."


"Hindi rin naman ako ah."


"Tigilan mo ko." Buntong hiningang sabi ko at umiwas ng tingin sa kanya. Ayoko syang kausap. Baka hindi ko mapigilan ang bibig ko at kung ano-ano nanaman ang masabi ko.


"Hindi ka ba magtatanong kung sino ang tinutukoy kong kukunin namin sa hoshiga?" Seryoso nyang tanong na nakakuha ng atensyon ko. Tiningnan ko muna ang kabuuan ng mukha nya ng ilang segundo bago ako nagsalita.


"Interesado ako." Pag-amin ko ng totoo. "Kaya ako hindi nagtanong dahil alam kong hindi mo 'rin naman sasabihin. Ang totoo nyan, nung unang beses ko palang kayong nakitang tatlo ay alam kong may layunin kayo kaya kayo pumunta dito."


Napabuntong hininga ako at inilagay sa bag ko ang libro na hawak ko.


"Pero alam ko 'rin sa sarili ko na hindi ako makakapayag na mangyari ulit ang kung anong hindi dapat mangyari."


"Anong ibig mong sabihin?"


"Alam mo ang kwento ko sa hoshiga kaya hindi na 'rin ako magtataka na alam mo ang nangyaring gulo tatlong taon na ang nakakalipas. Maraming nasaktan at namatayan ng dahil dun." Seryoso kong sabi sa kanya. "At sa oras na malaman ko na gulo lang rin naman ang idudulot nyo sa hoshiga, hindi ako magdadalawang isip na patayin kayo. Sa kahit anong paraan na gusto ko." Diretso kong sabi at sinubukang tumayo na. Pero hindi nakaligtas sakin ang ngisi ni Kalen. Bakit sya ngumisi?


Battle Of Hearts (Book 2)Where stories live. Discover now