Book 2: Chapter Six

34.2K 1.1K 171
                                    

CHAPTER SIX

"TALAGANG itutuloy mo ang date niyo ni Jack?"

Tinapos muna ni Venice itali ang buhok niya bago lingunin ang kaibigan. "From when he invited me out, I never planned na umatras."

Nagsalubong ang kilay ni Chrisee at saka humalukipkip. "Akala ko naman nang hinabol ka kagabi ni Kyle pagkatapos nating mag-dinner, malilinawan ka na dapat kayong dalawa lang forever! Tsk. Iyon pala, kahit siya, hindi ka nakumbinsi na huwag makipag-date sa iba."

Napapikit siya. "Chrisee, will you stop saying Kyle's name? Tigilan mo nang ihalo siya sa mga usapan. Tapos na kami. The moment we both chose to be apart, it's totally over."

"Lokohin mong lelang mo!" naiinis na sabi ni Chrisee at saka napatayo mula sa gilid ng kama.

"Bakit ka ba nagagalit sa'kin?" mahinahong tanong niya sa kaibigan. "You should be on my side, Chrisee. Tayo ang magkaibigan. You should support me on my decisions."

Inirapan siya nito at tumalikod. "Kaibigan mo 'ko kaya alam ko kung ano ka, Venice. Kapag nagdesisyon ka, nagdedesisyon ka lang for your convenience," anito at saka lumabas ng kuwarto nang hindi siya nililingon.

Unti-unti siyang nagpakawala ng hininga. Naramdaman ni Venice ang pagtagos sa puso ng mga sinabi ng kaibigan. Napailing-iling na lang siya at saka tinignan ang repleksyon sa salamin.

She saw a very selfish woman in the mirror.

Then, she smiled bitterly at herself. Kahit ang pagmamahal ni Kyle noon, hindi nagawang tuluyang baguhin ang ugali niya. She'll forever be a "bruha" or the witchy one.

Poor her.

"Anak."

Tumayo na si Venice at saka nilingon ang inang kalalabas lang ng banyo. "Yes, Mommy?"

"Narinig kong nagtatalo na naman kayo ni Chrisee."

Nagkibit-balikat lang siya. Nasagad niya na siguro ang kaibigan. Bakit naman kasi masyadong apektado ang kaibigan niya sa pakikipaglapit niya ulit kay Jack at ang pagpili niyang paglimot na ng tuluyan kay Kyle? Hindi naman niya gustong mag-away sila pero... "Magkakaayos rin kami, Mommy. Ganoon lang talaga kami ni Chrisee. Parang di naman kayo sanay sa'ming dalawa." Kinuha niya ang maliit na shoulder bag. "I'll go. Baka hinihintay na 'ko ni Jack."

Tumango lang ang Mommy niya. "Have fun, hija. Ako nama'y magpapasama kay Chrisee sa spa nitong resort."

"Mag-enjoy din kayo, Mom." She smiled at her mother and kissed her on the cheeks.

Paglabas niya ng kuwarto ay agad siyang dumiretso na sa restaurant ng resort. Gabi na kaya naman nakadagdag iyon para sa mga dilaw na ilaw ng resto na makapagbigay ng romantic ambiance para sa mga kumakain.

As she looked around, mukhang mga couples nga ang majority ng mga nandoon. What a perfect scene for a date.

"Venice?"

Napangiti siya nang makita si Jack na papalapit sa kanya. He's wearing a long-sleeved green polo shirt, black slacks and a pair of shiny black leather shoes. Nakatupi hanggang sa siko ang sleeves nito. And he's all smiles with those deep dimples.

"Hi," bati niya rito.

"Akala ko, hindi ka na tutuloy." Iginiya siya nito sa table nila.

"Hindi puwede iyon. I gave you my word. At hindi ako ang klase ng tao na nang-i-indyan," aniya at saka umupo sa upuang hinila nito para sa kanya. "Thanks."

"Damn, you're really beautiful, Venice," anito habang umuupo ngunit ang mga mata ay matamang nakatingin sa kanya. "It's clear why that Kyle just can't let you go."

The Witchy Writer's Romance [Book 1 & 2] - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon