Chapter One.

62.4K 1.2K 32
                                    

CHAPTER ONE

“HINDING-hindi makakalimutan ni Lucas ang itsura ng diwata ng mga aklat na nagparusa sa kanya; ang mahaba at kulot nitong buhok na kulay tsokolate, ang maamo nitong mukha, ang magandang pangangatawan, ang maputi at makinis nitong balat, at ang mga ngiti nitong tunay na nakakabighani,” tumigil sa malakas na pagbabasa ang nakababatang kapatid ni Kyle na si Khalil. Inulit nito ang binasa kanina sa laptop nito at saka nag-angat ng tingin sa kanya. “Ano ba’to, Kuya? Children’s book o romance pocketbook? Para namang nagka-crush pa si Lucas sa diwatang nagparusa sa kanya, eh.”

            Napakunot-noo siya. “Ganoon na ba ang dating? Pero d-in-escribe ko lang naman ang diwata ng mas malinaw para mas nai-imagine ng mga bata,” depensa niya. Bago siya magpasa ng kanyang mga gawa ay pinapabasa niya muna iyon kay Khalil. Isa rin itong writer pero magkaiba sila ng sinusulat. Horror ang genre nito.

            Eighteen years old pa lang siya nang magsimula siyang magsulat ng mga kuwentong pambata. Fantasy na may moral lessons ang hilig niyang isulat. Ang unang libro niya at ang iba pa niyang libro ay pina-publish ng Uno Publishing Company, kung saan ay pag-aari rin ng kanilang pamilya.

            Ang pamilya nila sa father-side ay nagmamay-ari ng ilang negosyo. At isa na nga doon ang Uno Publishing na ang kanilang namayapang ama ni Khalil ang namamahala noon. Ang kanilang ina naman ay isang manunulat ng mga romance novels bago ito magpakasal sa kanilang ama. Kaya nang mamayapa ang kanilang ina saktong pagkatapos niya ng kolehiyo, nagpatayo ang kanyang ama ng isang publishing house para maglathala ng mga nobelang kagaya nang sinusulat noon ng kanilang ina. So, Paper Roses Publishing House was born. Magkasabay na pinamahalaan ng kanyang ama ang Uno at Paper Roses. Anim na taon na ang Paper Roses nang mamatay ang kanyang ama dahil sa sakit sa puso at sa kanya pinamahala iyon. Ang Uno naman ay ang ibang kamag-anak na nila ang namamahala.

            “Oo nga, ang kaso naman, gumamit ka ng mga malalalim na salita. Remember, your target readers are three to eight years old.”

            “Okay. Papalitan ko na lang.”

            “Pero alam mo, Kuya Kyle, parang kilala ko ‘yung diwata na ‘to,” panunukso sa kanya nito.

            “Don’t even think about it.” Pinaningkitan niya pa ito ng mata.

            Tumawa ito. “Sabi ko na nga ba, eh. Hanggang ngayon may lihim ka pa ring pagtingin kay Sleeping Beauty or mas bagay na tawaging ‘Sleeping Witch’?”

            “Tigilan mo ‘ko. Nagkataon lang na nang sinusulat ko iyan ay kamukha niya ang diwatang napi-picture ko sa isip ko,” palusot niya. Hinding-hindi niya aaminin sa kapatid na ang babae ngang tinutukoy nito na si Sleeping Beauty o Sleeping Witch ang inspirasyon niya para sa book fairy na sinusulat niya.

            “O baka siya mismo ang ginawa mong model para sa fairy ng story mo?” Tumingin ulit ito sa laptop nito. “Confirmed. Si Venice nga ito.”

            “Hindi siya iyan,” pagde-deny niya pa rin.

            “Seven years na kayong magkatrabaho, hindi mo pa rin pinopormahan? What’s wrong with you, bro?”

            “Puwede bang tapusin mo na yang binabasa mo? I-e-edit ko pa yan at deadline ko na bukas.”

            “Binabago mo ang topic, ah. Pero sige, babasahin ko na ulit ito at hindi ko iisipin na si Venice ang diwata dito kahit siya naman talaga.” Ngingisi-ngising nagbasa muli ito.

The Witchy Writer's Romance [Book 1 & 2] - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon