Chapter Five

36.3K 1.1K 62
                                    

CHAPTER FIVE

NAPANGIWI si Venice nang matinis na tumili ang kaibigang si Chrisee pagkakita nito kay Kyle. Napagpasyahan niyang pumunta sa opisina sa araw na iyon at nagpumilit si Chrisee na isama niya ito. Ang tagal niya na daw kasi sa Paper Roses pero kahit minsan ay hindi niya pa ito naisasama roon. Isa pang dahilan ay gusto nitong makita ang “manliligaw” niya. Nangako itong hindi lulundagin si Kyle.

 Alam na nito ang panliligaw ni Kyle sa kanya. Makalipas ang tatlong araw ay sinabi niya na sa matalik na kaibigan. Isang kinikilig na tili ang nakuha niyang reaksiyon dito at kinukumbinsi siyang sagutin na daw agad ang lalaki.

            Lumapit si Chrisee kay Kyle at hinawakan ang huli sa magkabilang balikat.

            “Ikaw si Jan Kyle Uno, ‘di ba?”

            He politely smiled. “Ako nga.”

            “Wow! Mas guwapo ka pa pala kaysa sa picture mo sa magazine,” humahangang sabi ng kaibigan.

            “Ahm, salamat.”

            “Puwede ba pa-hug?” Akmang yayakapin na nito si Kyle nang mabilis siyang nakalapit sa mga ito at pinigilan ang kaibigan.

            “Venice! Nandito ka pala,” natutuwang sabi ni Kyle nang makita siya.

            “Pagpasensiyahan mo na ang kaibigan ko. Ganito lang talaga ‘to kapag nakakakita ng guwapo,” aniya habang hinihila ang kaibigan sa kanyang tabi. “Siya nga pala si Chrisee.”

            “Venice, naman, eh!” angal ng babae. “Hug lang naman. Hindi ko naman siya aagawin sa’yo. Pa-experience lang habang hindi mo pa siya sinasagot. Huwag ka nang magselos.”

            Pinanlakihan niya lang ito ng mata bago niya narinig na tumawa si Kyle.

            “Oh, my gosh! Nakaka-inlove ang tawa mo,” ani pa ni Chrisee kay Kyle. “Pa-kiss na rin!” Pero, hindi niya hinayaang makawala ito sa tabi niya.

            “Joke lang, Venice. Ikaw naman. Luwagan mo naman ng kaunti ang hawak mo sa ‘kin. Halata ka masyado, eh.”

            “Ewan ko sa’yo,” aniya at binitawan na ito. “Hindi ako nagseselos. Eh ‘di halikan mo si Kyle,” Bumaling siya sa huli. “kung papayag siya.”

            “Bakit parang pinagbabantaan mo ‘ko?” amused na wika ni Kyle.

            “Ayoko na,” sabi ni Chrisee. “nagseselos na ang kaibigan ko.”

            “I’m not,” tanggi niya sa mga ito at tanggi niya na rin para sa sarili. Ngunit, ayaw niya ng ideya na hinahalikan ni Chrisee si Kyle kahit sa pisngi lang. Bakit?

            Kasi gusto ko ako lang. Natigilan siya. Sa isip niya ba talaga galing iyon?

            Tumikhim si Chrisee. “Nice meeting you, Kyle. Gusto lang kitang makilala kasi ikaw ang suitor ng bestfriend ko, kaya nandito ako.”

            “Nice meeting you, too, Chrisee.”

Nagkamay ang dalawa at napatili nang mahina ang kaibigan.

“Ang guwapo mo na, ang bait mo pa. Talagang gusto mo si Venice na maldita, war-freak, at suplada?”

Ngumiti si Kyle . “I really like her. Gusto ko siya dahil…” Tumingin ito sa kanya. “siya si Venice.”

The Witchy Writer's Romance [Book 1 & 2] - Published by PHRWhere stories live. Discover now