Prologue.

89.2K 1.7K 67
                                    

PROLOGUE


"GOOD morning, Ma'am!" nakangiting bati ng security guard kay Venice.

Bahagyang tango lang ang kanyang tinugon rito at nagtuluy-tuloy na sa pagpasok sa gusali kung saan ang opisina ng Paper Roses Publishing House ay matatagpuan. Nakalulan agad siya sa isang elevator kapagkuwan at pinindot ang floor button nang pupuntahan. Pagkalabas niya ay agad niyang hinanap ang opisina ng publisher.

            Alam niyang sa ibang departamento dapat siya makipag-usap tungkol sa kontratang inaalok sa kanya ng kompanya, ngunit gusto niya ay ang mismong publisher ang makausap para sa ilang kondisyon na gusto niyang baguhin sa kontrata. Mas mabuti nang ang may pinakamataas na posisyon ang nakakaalam ng mga kondisyon niya bago pirmahan ang kontrata. Ayaw niya nang maulit pa ang nangyari sa kanya noon. Nasa hustong gulang na siya upang masigurong hindi na siya malalamangan muli.

"Good morning, Ma'am," pormal na bati sa kanya ng receptionist.

            "Good morning. Mr. Henry Uno is expecting me today," aniya rito.

            Tumango ito at sandaling may tinignan sa computer nito. Nakangiting bumaling ulit ito sa kanya. "Miss Venice Manansala?"

            Tumango siya.

            "Sir Henry is on a sick leave for a month now, Ma'am. Pero, nandito po si Sir Kyle. Siya po ang anak ni Sir Henry na pansamantalang pumalit po sa puwesto niya. He's also expecting you today, Ma'am."

            "I see. Can I see him right now, please?"

            "For a minute, Ma'am." Inangat nito ang telepono at nakipag-usap yata sa amo nito para ipaalam ang kanyang presensiya. Pagkatapos ay hinayaan na siyang tumuloy sa opisina ng publisher.

            Siniguro niyang mukha siyang pormal at presentable sa suot na red long-sleeved blouse na naka-tuck in sa kanyang black lady slacks. Isang itim na doll shoes lang ang sapin niya sa paa dahil hindi siya kumportableng mag-high heels sa tangkad niyang five feet and five inches.

            Kumatok muna siya sa pinto at saka pumasok kahit hindi pa siya binibigyan ng pahintulot.

            "Hi!"

            Nagulat siya ng mabungaran ang isang guwapong lalake na nakatayo malapit sa kanya. He is genuinely smiling that shows his adorable dimples. He looked so young and refreshing. Nakadagdag pa ang suot nitong sports shirt, maong pants at white rubber shoes. Kundi pa marahil sa well-built nitong katawan at katangkaran na aabot yata ng six feet, iisipin niyang nasa teens pa lang ito.

            "Ikaw ang anak ni Mr. Uno?"

            "Yup! I am Jan Kyle Uno, by the way." Inilahad nito ang kanang kamay sa kanya.

            "Venice Manansala," pagpapakilala niya at saka inabot ang kamay nito.

            Nang magdaop ang kanilang mga palad ay bahagya siyang napaigtad dahil sa isang sensayong naramdaman niyang dumaloy mula sa palad nito papunta sa kanya. Napatingin siya rito at nasalubong ang itim nitong mga mata na pawang nagningning.

            Napalunok siya at simpleng binawi ang kamay mula rito. That's weird.

            "Please take a sit," anito at iginiya siya sa upuan na nasa harap ng desk nito.

            Pagkaupo niya ay umupo na rin ito. Hindi sa likod ng desk nito kundi sa katapat niyang upuan.

            "B-bakit diyan ka nakaupo?" nagtatakang sabi niya.

The Witchy Writer's Romance [Book 1 & 2] - Published by PHRWhere stories live. Discover now