Epilogue.

30.3K 1K 25
                                    

EPILOGUE

DAHIL sa wala ng masyadong gagawin, bago mag-umpisa si Jim sa trabaho ay binuksan niya muna ang kanyang Facebook account. Nanlaki ang mata nita ng may mabasa sa kanyang Newsfeed.

            "Eric!" tawag niya sa kasamahang editor na maaga ring pumasok sa opisina ng araw na iyon.

            "Bakit?" lapit nito sa kanya.

            Tinuro niya ang screen ng kanyang monitor. Nanlaki ang mga mata nito sa nabasa.

            Nag-ring ang kanyang cellphone. Si Nick ang tumatawag.

            "Pare! Nabasa mo 'yung sa Facebook? Sabi nila Kedan at Jason, 'ano' na daw," bungad agad nito.

            "Oo, pare! Astig! I-like na natin!" natatawang sabi niya.

            Nag-high five sila ni Eric at mabilis na ni-Like ang nakitang nakatutuwang post.

000

MAAGANG nagbukas si Chrisee ng kanyang account sa Facebook. Napagkasunduan nila ng kaibigang si Venice na mag-o-online ito agad, oras na nasa America na ito.

             Pagka-log in niya ay agad siyang napatili sa kilig nang hindi inaasahang may mabasa sa kanyang Newsfeed.

            Venice Manansala is "engaged" to Jan Kyle Uno.

            Marami nang "Likes" iyon. She also clicked "Like". Nag-scroll down pa siya.

            May nakita siyang picture nina Kyle at Venice na naka-wacky pose habang nakataas ang kamay ng kaibigan na may suot na singsing sa daliri nito. The caption says: Nagbanta kasing tatalon sa eroplano kaya um-"oo" na 'ko. Haha! I love this guy!

            Natutuwa at natatawang ni-"Like" niya iyon.


W A K A S

~~~

The End for Book One!

Just turn to the next page for Book Two! :D

The Witchy Writer's Romance [Book 1 & 2] - Published by PHRWhere stories live. Discover now