Book 2: Chapter Five

38.2K 1K 234
                                    

CHAPTER FIVE

 

“KUNG kailan ka tumanda at saka ka mas naging pakipot. Teenager? Teenager? Ay hindi mali pala. Minsan ang teenager, kahit sa Facebook lang napapasagot na ng manliligaw. Ikaw, nasa harap mo na, wala pa rin?”

            Inirapan ni Venice si Chrisee. “First of all, hindi ako nagpapakipot. I freaking told him about what I truly feel. Pero ang gusto ni Kyle, maging kami lang habang nandito pa ‘ko. That’s crazy!” Nahampas niya ang table na kaharap. “Kung gusto niyang makipagbalikan, he must make sure that it’s for a lifetime. Ayoko ng pandaliang commitment. Ayoko nang umiyak ulit dahil lang kailangan niyang maging leader ng family legacy nila at hindi niya kayang sumama sa’kin sa States.”

            Sumimsim si Chrisee ng kape. “Bitter, aren’t we?”

            “I’m bitter of my attitude. Because he just did the right thing and… I don’t like it.” Napailing-iling siya at saka tumayo. Naglakad siya palabas ng suite ng tinutuluyan nila sa club resort.

            “Baka makasalubong mo si Kyle, ah? Baka hindi ka na naman makapalag kapag bigla kang hinalikan,” pang-aasar pa ni Chrisee na ikinasimangot niya pero hindi niya na pinansin.

            Tuluy-tuloy na siya sa kung saan man siya dalhin ng mga paa niya. May maingay sa pool area, sigurado, iyon ang mga staff ni Kyle. Sila-sila lang naman kasi ang guest ngayon doon.

            Lumayo siya sa pool area at napadpad siya sa reception hall. Napansin niya na marami-raming tao ang nagche-check in. Para siyang nakahinga ng maluwag. At least, marami nang guests at mas imposible na magkita sila ni Kyle. Dapat lang na umiwas na siya sa binata dahil totoo nga atang liligawan siya nito. Ulit.

            Pagkatapos ba naman kasi siya nito halikan kahapon, kinagabihan ay masaya na nitong nakakausap ang Mommy niya. Nang sila pa ni Kyle, kasundo nito ang mga magulag niya. Kaya siguro ang nanay niya, tuwang-tuwa nang makita ang kanyang dating nobyo. Kyle’s getting her mother’s sympathy to get through her.

            Ugh.

            May nakita si Venice na golf cart sa malapit na may driver. Sumakay siya roon at nagpahatid sa golf course. Nang nandoon na siya, walang tao. Great! Nakakita na rin siya ng lugar na walang nanay at kaibigan ang laging mangungulit sa kanya na bumigay kay Kyle.

            Basta na lang siyang sumalampak sa grass carpet at tumingin sa malayo. Nasa ganoong posisyon lang siguro siya ng sobrang tagal na oras. Hanggang sa mainip siya at saka bumalik na lang ulit sa club. Pagbalik niya roon, mas dumami pa ang tao.

            Great! Less probability of seeing Kyle, sa isip-isip niya. But then, hindi uso ang probability sa tadhana. Dahil maya-maya, pagkapunta niya sa mataong restaurant ng club, nandoon si Kyle. Nakaupo sa puwesto kung saan doon na lang niyang kailangang maki-share ng table.

            She rolled her eyeballs heavenly. Damn fate.

            Pumihit na lang siya patalikod. Magtatawag na lang siya ng room service. Kaysa naman—

            “Venice? Venice!”

            Napakunot-noo siya nang makita ang isang tila pamilyar na lalaki na papalapit sa kanya.

            “Venice! Ikaw na ba talaga iyan?” ani pa ng guwapong lalaki na ngayo’y nasa harap na niya.

            Her eyes widened upon the recognition. “Jack!” she acknowledged her only boyfriend back in college.

The Witchy Writer's Romance [Book 1 & 2] - Published by PHROù les histoires vivent. Découvrez maintenant