Chapter Six.

39.8K 1.2K 103
                                    

CHAPTER SIX

“SINO BA SIYA?” tanong ni Kyle sa kanya.

            “Siya lang naman ang anak ni Mr. Lagrosa na may-ari ng Love Notes. She’s Jennica. Alam mo bang sumikat siya dati na writer nang Love Notes dahil sa’kin?”

            “You mean…?”

            “My works were published under her name nang nasa Love Notes pa’ko. Dinadagdagan niya lang ng kung anu-anong kababuyan ang mga gawa ko para hindi halata masyado na akin iyon. What a writer, right? Or has she had the right to be called like one?”

Hindi niya matatawag kahit kailan na manunulat si Jennica. Gusto daw nitong maging writer at agad na sumikat na katulad daw ng nangyari sa kanya. Pero imbes na magsulat, inutusan nito ang sariling ama na ang mga gawa niya ang ilagay sa mga gawa nito. Dahil spoiled, sumunod lang ang matandang Lagrosa rito. At ang mga editor ay nasuhulan na manahimik para hindi sabihin sa kanya ang mga ginagawa sa kanyang nobela.

            Kyle smoothly touched her right cheek. “I see. Pero, dapat kalimutan mo na iyon, ‘di ba? You should have been nice earlier to her. Para mas ma-guilty na lang siya sa mga ginawa niya dati sa’yo.”

            Napabuntong-hininga siya. “Still, she deserved what I said earlier.”

            “Pero—”

            “Kapag pinagtanggol mo pa siya, babasted-in na talaga kita,” banta niya.

            “Nako, sabi ko nga. Tama lang ‘yung sinabi mo kanina sa kanya. Ang tanga nga, hindi man lang nakita na makakasalubong niya ang kagandahan mo?”

            Biglang nawala ang inis sa pagkakita muli kay Jennica kanina dahil sa hirit ni Kyle. Natagpuan niya na lang ang sariling tumatawa.

            “Halika na nga,” natatawang aya niya rito.

            Tatawa-tawa lang rin ito habang inakay na siya papuntsa sa kotse nito.

            “But, Venice, mali pa rin iyong ginawa mo. Kahit pa gaano naging kasama sa’tin ang isang tao, dapat hindi na lang natin sila pinapatulan. We should not stoop down on their level. Isa pa, mas mature ka na ngayon kaysa dati,” pasimpleng sabi nito nang parehas na silang nakasakay sa kotse nito.

            She made face but later on smiled because Kyle was right.

            Kyle’s really good to keep her bad vibes away. Is he good for her heart also?

000

 “BAKIT?” tanong ni Venice kanila Jim at Eric pagkapasok niya ng editorial department. Nakatulala lang kasi ang dalawang editor habang tinitignan siya.

            Kumurap-kurap si Jim at napatingin kay Eric. “Pare, nanaginip ba tayo?”

            Napakamot naman ng ulo si Eric. “Ewan ko. Siguro. Nakangiti si Aurora, eh.”

            Natawa naman siya. Muling nagkatinginan ang dalawa.

            Hindi niya masisisi ang dalawang sa naging reaksiyon ng mga ito at akalain na nanaginip lang ang mga ito. Kapag pumupunta kasi siya ng Paper Roses, lagi nang pormal siya at minsan ay natatarayan niya pa ang dalawa. Mabait ang mga ito at palabiro ngunit pinili niyang maging distant sa mga ito dahil nga sa past experience niya.            Editor niya si Jim at minsan ay si Eric, kaya natatarayan at nasusungitan niya ang mga ito kapag may panget na comment ang mga ito manuscript niya. Sinasadya niya iyon para ang mga ito ang lumayo sa kanya.

The Witchy Writer's Romance [Book 1 & 2] - Published by PHRWhere stories live. Discover now