Book 2: Chapter One.

40.6K 1.1K 122
                                    

CHAPTER ONE

“HIJA, wake up. The plane has boarded. Finally, nasa Pilipinas na ulit tayo.”

            Venice hastily stirred up as she heard her mother said “Pilipinas”. Bigla na lang lumakas ang kabog ng puso niya at napuno iyon ng excitement. After three long years, nakauwi na ulit siya sa lupang sinilangan kahit pa dalawang buwan lang siyang mananatili roon kasama ang Mommy niya.

            Magbabakasyon lang siya dahil pinayagan siya ng agent niya sa Amerika na sandali munang magliwaliw bago niya tuluyang matapos ang huling libro na sinusulat niya para sa sumikat niyang mystery series sa buong mundo. Pinakahihintay ang pagtatapos ng series niya at totoong napaka-in demand na agad ng huling libro. Pero kahit pa ganoon ay ayaw siyang madaliin ng agent niya at ng sikat na publishing house na nagpi-print at nagdi-distribute ng sikat niyang English novel series. Deserve naman niya daw ng break kaya pinayagan siyang umuwi ng Pilipinas at hindi na siya binigyan ng deadline sa pagsusulat.

            Pagkababa nila ng Mommy niya ng eroplano ay dumiretso sila sa immigration office bago makuha ang mga bagahe nila. After half an hour nasa labas na sila ng airport at sinasalubong na sila ng bestfriend niyang si Chrisee.

            “Venice! Venice!” malakas na tawag ng kaibigan niya sa kanya. Kumakaway ito habang patakbo sa direksyon niya.

            Lumaki ang mga ngiti niya at napayakap agad sa kaibigan. “Chrisee! How are you?” kumusta niya rito.

            Humigpit ang yakap nito sa kanya bago siya hinarap. “Ikaw ang dapat kong tanungin niyan, Miss famous international writer!”

            “Sshh! Huwag ka ngang maingay,” natatawang saway niya rito. Baka kasi may makakilala sa kanya. Nilihim pa naman sa media ang pag-uwi niya. Venice was fully aware of the fame she made after her first international novel hit the New York Times Bestsellers. Mas naging maingay ang pen name niyang “Aurora Rose” sa Pilipinas dahil alam na isa siyang Filipina. Isa na siya sa kino-consider na “Philippine Pride” dahil isa siyang Filipino author na sikat sa buong mundo dahil sa mga libro niya.

            Para naman kay Venice, hindi naman siya ganoon kasikat dahil hindi pa naman nabe-break ng libro niya ang record nina J.K. Rowling or E.L. James. Para sa kanya, tama lang ang puwesto kung nasaan siya ngayon. Mas mabilis nga lang siyang makilala kapag nakita siya ng mga taong nagbabasa ng mga gawa niya.

            “Ano ba iyan, nandito ka na ulit, finally!” parang maiiyak pa na sabi ni Chrisee. Niyakap pa siya ulit nito. “Na-miss kita, girl! Huling punta mo pa dito noong nag-aayos kayo ni Kyle nang kasal niy—” kusang napatigil ito sa sinasabi at bumaling agad sa kanyang ina. “Tita! Tita Vina! Nako po, bakit mukha po kayong hindi tumatanda? Iyan po ba ang resulta kapag hindi napeperwisyo sa asawa?”

            Natawa ang Mommy niya at saka niyakap ito. “Ikaw talagang bata ka. Kumusta ka na? May asawa ka na ba?”

            Chrisee laughed. “Ay, single na single ako, Tita! Lumagpas na po ako ng kalendaryo. Huling-huli na ‘ko sa huling biyahe.”

            “Aba, magbestfriends nga kayo ni Venice. Parehas kayong huling huli na sa biyahe. Pero baka may last trip pang isa.”

            She rolled her eyes heavenly. Nagpaparinig na naman ang Mommy niya. Magmula nang tumuntong siya ng thirty-two last month, pinagpipilitan talaga nitong maghanap na ulit siya ng mapapangasawa kung ayaw niya daw makipagbalikan kay… kay Kyle.

The Witchy Writer's Romance [Book 1 & 2] - Published by PHRWhere stories live. Discover now