Chapter Four.

35.6K 1.1K 61
                                    

CHAPTER FOUR

PINAKALMA muna ni Venice ang malakas na pagkabog ng kanyang puso bago dahan-dahang binuksan ang pinto.

            Nagtama ang tingin nila ni Kyle. Wala ang natural na ngiti sa mga labi nito. Wala ring mababasang damdamin sa mga mata nito.

            “A-anong ginagawa mo rito?”

            “What do you think?” seryosong tanong nito.

            “Paano mo nalaman kung saan ako nakatira?”

            “You’re my employee, the company has informations about you. At base sa address na nakalagay sa biodata mo, hindi naman mahirap hanapin ang bahay mo.” Humakbang ito palapit sa kanya

            Napaatras naman siya. “P-please, come in.” Tumalikod siya rito at nagpatiuna sa sala. Naramdaman niya ang pagsunod nito sa kanya. Mukhang importante ang pakay nito sa kanya dahil ito pa mismo ang humanap at pumunta sa bahay niya.

            “I thought you would not even bother to let me in,”sarkastikong sabi nito.

            Napaharap siya rito. “I have manners. At boss kita.”

            He smirked. “Alam mo pa lang boss mo ‘ko? Sana pala bago ka nag-post ng ganoon, nakuha mo sanang kausapin muna ang editor mo o kaya ako mismo para malaman ang plano mong iyon.”

            Napalunok siya. Ngayon niya lang narinig ito na magsalita nang ganoon. Sanay kasi siyang lagi itong nakikipag-usap na nakangiti at hindi masyado pormal. Masyadong seryoso ang tono nito at kinakabahan siya.

            Ngayon lang pumasok sa utak niya ang ginawa niya. Napayuko siya. Bakit ba kasi ako padalos-dalos?

            “Ano na naman bang problema mo sa Paper Roses, Venice?” mahinahon ngunit mariing tanong nito. “Akala ko ba tapos na ang isyu tungkol sa Red Carpet? Sinunod ko lahat ng gusto mong mangyari at nanahimik kami sa mga nagtatanong ng tungkol sa pelikula. And now, i-a-announce mo sa lahat na hindi ka na magsusulat pang muli para sa Paper Roses. Since, boss mo lang naman ako, care to tell me your reasons?”

            Napaupo siya sa isang one-seater sofa. Nahihiya siya sa tono ng pananalita nito. Malinaw na pinahihiwatig nito na mas mataas ito sa kanya. Where’s your etiquette, Venice? aniya sa sarili.

            Tumayo si Kyle sa kanyang harapan. His hands on his hips and looking down at her.

            “For seven years, Venice, pinilit kong intindihin ka. Reputasyon mo na siguro ang pagiging palaban at maldita na si Aurora Rose. But, all I know is that there’s something more about you as Venice.”

            “Iisa lang si Aurora at ako,” aniya. “Kailangan kong maging matapang sa harap ng maraming tao para hindi nila kakayan-kayanin ang mga gawa ko. I maybe bitchy, but, the hell I care? Kapag sa tingin kong inaagrabyado na ‘ko, kailangan ko nang lumaban.”

            “Saan ka naagrabyado, Venice?” Magkasalubong na ang dalawang kilay nito at medyo tumaas na rin ang boses nito. “Wala akong hinayaan kahit isa sa mga empleyado ng Paper Roses ang maagrabyado sa anumang bagay. Bilin sa’kin ni Papa na alagaan ko ang mga bumubuo sa kompanya. Ano mang mangyari sa inyo, nakakaladkad ang buong pangalan ng kompanya.”

            Umismid siya. “Eh, ‘di lumabas din ang totoo!” Napatayo siya at dinuro-duro ito. “Pangalan at reputasyon ng Paper Roses lang naman talaga ang iniisip mo! At dahil sa reputasyon ko, nasisira na rin ang pangalan ng kompanya mo! Tama lang ang desisyon kong huwag nang magsulat pa sa inyo. Dapat nga magpasalamat ka pa sa’kin dahil kapag wala nang malditang Aurora Rose na nagsusulat sa inyo, wala nang pangit na masasabi sa Paper Roses,” nanggagalaiting sabi niya. “Pare-pareho lang kayo!”

The Witchy Writer's Romance [Book 1 & 2] - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon