Chapter Two

52K 1.1K 94
                                    

CHAPTER TWO

ALAM ni Venice na hindi na maipinta ang ekspresyon niya sa mukha, ngunit pinanatili niyang tikom ang bibig kahit gustung-gusto niya nang sugurin sa loob ng opisina nito si Kyle.

            Pagkatapos malaman sa kanyang editor kahapon ang pagpaplano na gawing isang pelikula ang dati niyang nobela na matagal niya nang naisulat ay parang gusto niyang magwala.

            Tatlong taon nang naka-collaborate ang Paper Roses sa isang sikat na movie film producer sa bansa, ang Red Carpet Films. Pumipili ang Red Carpet ng mga nobela na nailimbag na ng Paper Roses at isinasa-pelikula. Mahigit sampung nobela na yata ng ibang magagaling na writers ang na-adapt na pelikula. Siyempre pa, lahat ng iyon ay hindi naman nag-stick sa totoong kuwento. Ganoon naman talaga, eh.

            Wala siyang pakialam sa naging collaboration ng Red Carpet at Paper Roses. Parte iyon ng pag-angat ng publishing house na pinagtatrabahuhan niya. Alam niyang marami siyang kasamahan na writers na mas magaling sa kanya kaya tiwala siyang hindi mapipili ang mga gawa niya upang gawing pelikula. Pero, mukhang nagkamali siya.

            “Miss Venice, puwede na po kayong pumasok,” aniya sa kanya ng sekretarya ni Kyle.

            Mabilis siyang nagtungo sa opisina ng huli at walang kakatok-katok na binuksan niya ang pinto. Nabungaran niya ang pagtayo ni Kyle sa upuan nito at nakangiting lumapit sa kanya.

            “Hi, Venice! Sorry for keeping you wai—”

            “Sinabi sa’kin ng editor ko na may plano ang Red Carpet na gawing pelikula ang ‘The Nameless Lover’,” putol niya sa pagsasalita nito. Ang tinukoy niyang title ay ang nobelang sinulat niya two years ago pa at plano ngang isapelikula ngayon.

            Nginitian siya nito. “Sasabihin ko sana iyon sa’yo bukas pero mas nauna mo na pa lang nalaman kay—”

            “Hindi ako papayag!” singhal niya rito. Wala na siyang pakialam kung boss niya ito. “Wala sa usapan nating puwedeng gawing pelikula ang isa sa mga nobela ko! Wala iyon sa napagkasunduan natin! Akala mo ba matutuwa ako dahil magiging pelikula ang gawa ko? Puwes, nagkakamali ka!” Lumapit siya rito at dinuruduro ito. “I don’t want any of my novels to be turned into a movie! Kausapin mo ang Red Carpet na palitan na lang ang choice nila! Mas marami pang mas magagandang kuwento ang puwede nilang gawing pelikula! But, not my works! Never!” Ang kahapon pang pinipigil na hinaing ay nailabas na niya.

            Wala itong naging tugon at tila nagulat sa kanyang outburst. Hah! Buti naman at mukhang nasindak niya ito. Hindi naman niya gustong sigaw-sigawan ito pero wala siyang alam na ibang paglalabasan lahat ng hinaing niya.

            “You know, you really look pretty kahit galit na galit ka,” nakangiting sabi nito sa kanya kapagkuwan.

            Huh?

            Napaamang siya sa sinabi nito. May naramdaman din siyang malakas na pagsipa sa kanyang puso. Napatitig siya rito. Ano bang pinagsasabi nito?

            “Hmn. Nagpagupit ka ba? Mas maikli ‘ata ang buhok mo ngayon kaysa nung huli tayong nagkita.” Hinaplos nito ang nakalugay niyang kulot na buhok. Napansin pa nito ang buhok niya?

Hinawakan siya nito sa magkabilang balikat kapagkuwan ay tinignan ang kabuuan niya. Tinagilid-tagilid pa siya nito. “At saka parang pumayat ka. Sulat ka siguro ng sulat kaya nakakalimutan mo nang kumain sa oras o kumain ng tama. Ano bang silbi ng boyfriend mo kung hindi ka naman niya inaalagaan?”

The Witchy Writer's Romance [Book 1 & 2] - Published by PHRWhere stories live. Discover now