CHAPTER FOUR
IT WAS just a kiss. Isang mahabang halik na nagpabukas ng libu-libong pinakatatagong damdamin ng pagkasabik, pangungulila, pagsisisi, at panghihinayang.
I’m getting poetic, really.
Isa lang naman talaga ang nasa isip ni Venice habang hinahalikan siya ni Kyle at iyon ay sana…sana hindi na lang iyon matapos.
But reality is a bitch. It snapped.
Marahan niyang tinulak si Kyle palayo. “What are you doing?” halos hindi lumabas ang tinig niya.
Hinawakan nito ang magkabilang balikat niya. “We cannot hide it, Venice,” seryosong sabi nito. “Unang pagkikita pa lang natin ulit kahapon, we know we still have it.”
“What?”
Diretso ang tingin nito sa kanyang mga mata. “Mahal pa natin ang isa’t isa.”
Napakurap siya. “You still l-love me?”
Ngumiti ito. “Obviously. Alam mo bang nag-iisip na ‘ko mula kahapon ng mga paraan para magkita lang tayo? But I guess, ang mga karaniwang ginagawa ng mga heroes na ways sa mga romance novels ay hindi naman efficient sa totoong buhay. Kaya aamin na lang ako agad. Para may pangrason ako lagi kung bakit gusto kitang makita.”
Hindi na makahinga si Venice. Masaya siya na hindi. Her heart was racing from its natural beat. “K-Kyle…”
“Three years, Venice. It’s been three years and maybe you’re right, nothing changed,” madamdaming sabi nito. “I still love you. At hindi ako magtataka kung kahit kailan, hindi na ‘to magbabago.”
Gustong mapangiti ni Venice. Paano ba naman, corny dati kay Kyle kapag nagpapahayag ng pag-ibig sa kanya, pero ngayon… “It’s been three years, ilang pocketbooks na ba ang nababasa mo? Ilang lines na ang nakabisado mo?” she tried to joke.
His cute dimples showed. “I love you.”
Oh, those words she longed to hear again from Jan Kyle Uno. Yumuko siya sandali. Napapikit. “Then?” buntong-hininga niyang sabi.
“Huh?”
Mapait siyang napangiti at hinarap ito. “I love you, too. Then, what?”
Naghalo-halo na ang ekspresyon sa mga mata nito. Hindi alam kung kikislap ba ang mga iyon dahil sa pag-amin niyang mahal niya rin ito, o maguguluhan dahil sa tanong niya.
“Then what, what?” naguguluhang tanong nito.
She sighed again. Tumalikod siya rito at tumuloy sa kusina. “Do you want something to drink?” biglang alok niya rito.
“Venice…”
“Magtitimpla lang ako ng kape.”
Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito. Habang naglalagay siya ng purong kape sa coffeemaker ay nasilip niyang naupo na ito sa sofa. And he’s watching her.
Humalukipkip lang siya at pasimpleng umiwas ng tingin. Dahil kung hindi siya tatalikod sa mga titig nito, baka takbuhin niya lang ito at siya naman ang biglang manghalik rito.
YOU ARE READING
The Witchy Writer's Romance [Book 1 & 2] - Published by PHR
RomanceA romance between a writer and her publisher. Ang unang libro ng kanilang kuwento ay tungkol sa pamumuo ng kanilang pagmamahalan. Ang pangalawang libro ng kanilang kuwento ay tungkol naman sa pagbabalik ng nawalang pag-ibig. May happy ending pa rin...