Chapter Seven.

36.2K 1K 20
                                    

CHAPTER SEVEN

MATAMANG nakatutok si Venice sa screen ng monitor ng computer niya. Alam niya ang dapat niyang isulat na scene pero nahihirapan siyang maghanap ng mga salitang aakma para doon. Kalahating oras na yata siyang nakikipagtitigan lang sa blinking cursor.

            Hinilot ni Venice ang sentido. Napabuga siya ng hangin saka napalingon sa kanyang kama. Nandoon si Kyle. Nakaupo at nakasandal sa headboard habang nasa ibabaw ng hita nito ang laptop nito. Katulad niya ay nagsusulat rin ito para naman sa bago nitong children’s book.

            Ito ang kakaibang bonding nila sa nakalipas na dalawang linggo mula nang sagutin niya na ito. Dahil parehas nga silang writer, medyo mas gusto nilang magsulat muna sa isang tahimik na lugar kaysa mag-date muna sila sa labas. Of course, they’re dating outside. Kaso mas productive silang dalawa kapag nakakapagsulat sila. Kaya heto at magkasama silang nagsusulat.

            Ang maganda naman sa pagsusulat nila ng sabay ay nakakapagtanungan sila sa isa’t isa ng mga possible dialogues, words, or scenes na puwedeng isulat. Kahit magkaiba sila ng genre ng sinusulat, they were able to understand each other. Ganoon talaga siguro kapag kapwa manunulat. Suwerte niya at may boyfriend siyang writer din.

            “Ahm… Kyle?” abala niya rito.

            Huminto ito sa pagta-type at binalingan siya ng tingin. “Yes?”

            “Can you help me? I know what to write, it’s just I can’t find the right words in my head.”

            “Sure. Basta ikaw.” Nilapag nito ang laptop sa kama bago tumayo at lumapit sa kanya.

            Napangiti naman siya. “Thank you!” aniya at humarap na ulit sa computer niya.

            “Ano bang scene ang sinusulat mo?” tanong nito.

            May hinila siyang upuan sa tabi niya at umupo ito doon.

            “Here, read this scene.”  In-adjust niya ang monitor ng screen na patapat rito. Ang pinabasa niyang scene ay ang scene bago ang dapat niyang isulat na kasunod.

            Habang binabasa nito iyon ay nanlaki ang mga mata nito. Napakunot noo naman siya sa reaksyon nito.

            “Why?” nagtatakang tanong niya rito.

            Tumingin ito sa kanya. “You’re gonna write a bed scene?” tila shocked na sabi nito.

            Tumango siya. “Yeah,” sagot niya naman. “I’m a romance novelist, Kyle. Hindi na nakapagtataka iyon.”

            “Well, I’m a children’s story writer, so I don’t know how to write bed scenes. Inosente ang pag-iisip ko sa mga ganyan,” pag-arte pa nito.

            Natawa na lang siya sa kalokohan nito. “Ewan ko sa’yo, Kyle. Maybe you can share by experience? Baka sakaling makahanap ako ng right words para isulat.”

            Tinitigan siya nito ng matagal.

            “Bakit na naman?” pinanlakihan niya na ito ng mata.

            “Wala ka bang experience para isulat diyan? I read a couple of your novels na may bed scenes na.”

            Tinaasan niya ito ng kilay. “It’s the influence of reading some provocative romance novels, Kyle, kaya ako nakakagawa ng bed scenes. I’m not basing it on my experience.”

The Witchy Writer's Romance [Book 1 & 2] - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon