Chapter Eight.

29K 913 23
                                    

CHAPTER EIGHT

NAPATINGIN si Kyle sa kanyang wristwatch. It’s already four in the afternoon.

            Tumayo siya at lumabas ng kanyang opisina. Nakakapagod talaga ang napakaraming inaasikaso. Ngunit, determinado siyang matapos kahit kalahati ang mga kailangang gawin ngayon dahil bukas na ang pinagplanuhan niyang monthsary celebration nila ni Venice.

            Wala sa sariling napangiti siya ng maalala ang nobya.

            “Sir Kyle!”

            Napalingon siya at nakita si Eric at Jim na nagkakape sa pantry area.

            “Kape tayo, Sir!” aya ni Jim.

            Lumapit siya sa mga ito. Saktong binigyan siya ni Eric ng isang tasa ng kape.

            “Salamat. Kumusta na kayo sa trabaho niyo? Kaya pa?” aniya sa mga ito.

            “Kaya pa, Sir. Hindi naman ito ang unang beses na naging ganito tayo ka-busy. Nga pala, Sir Kyle, kumusta na kayo ni Aurora?”

            “We’re happy,” sagot niya saka humigop ng kape.

            “Naka!” biglang sabad ni Jason na kalalapit pa lang sa kanila. “Nakakarinig na kami ng tunog ng kampana, Sir.”

            Napangiti siya. “Naririnig niyo rin?”

            “Wow! Coffee break? Sali kami!” ani Kedan habang papasok sa pantry area kasama si Nick.

            “Dinig na dinig na sa buong opisina ang kampana, Sir. ‘Di ba, Kedan?”

            Kumuha si Kedan ng kape nito at nag-thumbs sa kanya. “Nag-aabang na lang kami ng announcement, Sir Kyle.”

            “Pakiramdam kasi namin, Sir, totoong-totoo na ang sa inyo ni Venice,” sabi naman ni Nick.

            Nagkibit-balikat lang siya ngunit nakangiti nang malapad. It’s true that what he and Venice have for each other is real. Masasabi niyang ito na talaga ang gusto niyang makasama habang buhay.

            “Ang bait-bait na ni Venice, ano? Lagi nang nakangiti at nakikipagkuwentuhan sa’tin,” natutuwang sabi ni Eric.

            “Oo nga,” segunda pa ni Kedan. “Wala na ‘yung dating masungit, suplada at mataray na Venice. Hindi na rin siya masakit magsalita ngayon.”

            “Sabi sa’yo, eh. Romansa lang talaga ang sagot diyan!” hirit pa ni Nick. “Kunwari pa ‘tong si Sir na hindi sang-ayon sa naisip nating panliligaw niya kay Venice para mapaamo siya. Pero, pagmukat-mukat natin, pumoporma na pala.”

            “Tama! At nakita naman natin kung gaano ka rin kagusto ni Venice, Sir Kyle. Kitang-kita naman ang transformation. Hindi na siya nakakasakit ng mga ego naming mga editors niya. Si Sleeping Witch ay Sleeping Beauty na talaga,” ani Jim.

            “Binawi niya pa ang post niya noon na pag-alis sa Paper Roses. Nag-public apology pa sa mga recent bad acts niya. O, ‘di ba naman? Hindi na makakaladkad sa bad publicity ang Paper Roses.”

            “Sold out nga ulit ‘yung mga bagong labas niya. Ang taas na naman ng sales natin. Buti, itutuloy niya pa rin ang pagsusulat dito. Malaki pa rin ang kikitain ng kompanya.”

The Witchy Writer's Romance [Book 1 & 2] - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon