Book 2: Chapter Three

36.9K 1.1K 93
                                    

CHAPTER THREE


TILI nang tili si Chrisee nang ikuwento ni Venice rito ang naging pagkikita nila kahapon ni Kyle sa opisina ng Paper Roses.

"Huwag ka ngang maingay. Magigising si Mommy sa kabilang kuwarto," saway niya rito habang nagsusuklay ng buhok. Nag-aayos na kasi siya papunta sa private workshop ng mga bagong writers ni Kyle.

"Eh kasi!" Hinampas pa siya nito sa braso. "Yung picture niyo nasa lamesa niya pa? Alam na! May second chance pa kayo, Venice!" Mahina ngunit patiling sabi nito.

"Tigilan mo ‘ko, Chrisee. Kahit pa may feelings pa kami sa isa't isa, we could not pursue it anymore. Kung narinig mo lang kung gaano karami ang meetings niya sa isang araw, ibang iba na kaysa dati. Hindi na lang siya basta publisher ng isang kompanya na nagpi-print ng paperbacks, he's the owner of almost all the publishing houses here in the Philippines."

"So?"

Ibinaba niya ang brush at humarap rito. "So? So, dito ang buhay niya. Dito siya kailangang mag-asawa. Dito siya magkakapamilya. Dito siya tatanda. Ako? Doon ako sa America. Magsusulat."

"O, kalma lang. Sige na, sige na. Worlds apart kayo. Pero kung gusto naman maraming paraan."

"Masyado na kong matanda para sa ganyan."

"Sus! Sinong maysabi? Hoy, girl, di tayo umabot ng thirty two years para sumuko na sa love life. Ako nga, tuloy pa rin ang search for the one tapos ikaw, nandyan na, gagawan na lang ng paraan, ayaw pa?"

"Tatlong taon na ang lumipas. Kung may feelings pa man si Kyle sa'kin, hindi na siguro ganoon katindi iyon katulad dati."

"Hindi din. Three years after, he yearned for you the most."

Napailing siya. Ayaw niyang umasa. "Pagkatapos nito, hindi na kami magkikita. Bukas, start na ng pagliliwaliw namin ni Mommy. Gugulin ko ang dalawang buwan ko rito para mag-relax at hindi para magre-kindle ng old flame."

Tumayo na siya at nagwisik ng pabango sa pulso at sa leeg.

"Huh? Eh di'ba may utang pa daw siyang pasyal kasama ka? Pati dinner kasama si Tita?"

"Masyado na silang busy. Tatanggi na lang ako." Kinuha niya na ang shoulder bag niya.

"Venice naman, sayang talaga kayo ni Kyle. Dahil sa kuwento mo, halatang meron pa talaga. Nandoon pa, eh. Yung feelings...argh! This is so damn frustrating!"

Yeah. It is frustrating but... "Huwag mo na lang kasi isipin. Ikaw ba ang ex ni Kyle para mamorblema ng ganyan? Ako nga hindi na inisip iyan pagkatapos ng pagkikita namin kahapon."

"Weh?"

"Pahiram ng kotse mo."

"Ayoko nga. Papasyal ko si Tita mamaya. Mag-taxi ka na lang. Wala naman sigurong makakakilala sa'yo."

Hindi na lang siya pumalag. Nagpaalam na siya rito at lumabas ng condo unit nito. Sa pagbaba niya sa lobby ay nakakuha naman agad siya ng taxi.

Twenty-five minutes later, nasa tapat na siya ng opisina ng Uno Publishing Inc.

"Ma'am Venice!" Salubong sa kanya ng secretary ni Kyle na si Carla. "Good morning po, Ma'am!"

"Good morning," nakangiting bati niya. "Ahm, late ba 'ko?"

"Hindi po, Ma'am. Actually, on time lang po kayo. Nasa conference room na po sila Sir Khalil kasama ang Beautiful Words writers."

"Beautiful Words?"

"Opo. Iyon po iyong bagong publishing company ni Sir Kyle."

"Oh, I see."

Iginiya na siya nito sa elevator at pagtuntong sa third floor ay dumiretso na siya nito sa conference room. Pagpasok niya roon ay sinalubong siya ni Khalil at sinimulang ipinakilala sa limang writers na nandoon.

The Witchy Writer's Romance [Book 1 & 2] - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon