Book 2: Chapter Two

32.4K 1K 116
                                    

CHAPTER TWO

 

“HOW are you?”

            Kahit nagkakagulo na ang buong sistema ni Venice ay nakahanap pa rin siya ng mga salita upang mapagtakpan ang pagkatunganga kay Kyle. “I’m doing great! Bakasyon ako ngayon. Ikaw?” aniya nang hindi nabubulol. Pero hindi siya makangiti nang hindi nanginginig ang mga labi niya.

            Hindi na naalis ang ngiti nito. Visible tuloy ang cute dimples nito. “Buti ka pa nakakapagbakasyon. Ako naman masyado na ‘kong abala sa trabaho, pero masaya naman ako sa ginagawa ko kahit nakakapagod.”

            Tumikhim si Khalil. Sabay naman silang napatingin rito ni Kyle. Sa tabi ni Khalil na si Czarina ay nakatingin sa baywang niya.

            Saka lang napansin ni Venice na hawak pa rin siya ni Kyle doon.

            “Ay, sorry,” ani Kyle nang mapansin din nito ang posisyon nila. Pagkalayo nito ay parang gusto niya namang hilahin pabalik ang braso nito para ipulupot ulit sa baywang niya.

            “Hindi mo naman sinabing pupunta ka pala rito, nakapaghanda man lang sana ako ng red carpet,” biro nito.

            She chuckled. “OA, ah. Biglaan lang rin ang pagpunta ko rito dahil nakita ko sa coffeeshop kanina si Czarina. May jetlag pa nga ako. Kanina lang kami dumating rito ni Mommy.”

            “Ah. Kasama mo pala si Mommy—ay este si Tita. Hanggang kailan naman kayo dito? Mag-dinner naman tayo nila Tita kahit isang beses lang. I miss her.”

            Do you miss me too? “Sure! Titignan ko sa sched namin ni Mommy. Magliliwaliw kasi kami sa buong Pilipinas sa dalawang buwan. We’ll find a way para makapag-schedule kami ng dinner kasama ka…kayo ni Khalil.”

            “That’s cool!” singit naman ni Khalil. “A dinner with a famous international writer!”

            “My thoughts exactly,” ani Kyle.

            Pabirong inirapan niya ang magkapatid. “Stop that. Wala pa rin namang nagbago. Ako pa rin si Venice.”

            “Uy, wala pa rin daw nagbago,” parinig ni Nick.

            “Pati kaya ang feelings, walang pagbabago?” segunda ni Kedan.

            “Boom!”

            Nagtawanan ang mga ito. Tumaas ang kilay niya at tumalim ang tingin sa mga ito.

            “Ang dami niyo pa ring kalokohan hanggang ngayon. Bumalik na nga kayo sa trabaho niyo,” seryosong utos ni Kyle pero ngingiti-ngiti ito. Bumaling ito sa kanya. “Aalis ka na ba?”

            Napatingin siya kay Czarina. “Aalis na ba tayo?” tanong niya rito. Kotse kasi nito ang gamit nila.

            Mabilis itong umiling. “Hindi pa naman. Pero di’ba ikaw, sabi mo sandali ka lang? Baka kailangan mo nang umalis, hatid na kita.”

            Oo nga pala. Hinihintay pa siya ng Mommy niya at ni Chrisee sa condo ng huli. “Oh, right. I need to go—”

            “Huwag ka munang umalis,” putol ni Kyle sabay higit sa kamay niya. “Kain muna tayong merienda sa office ko.”

            Hindi na nakasagot si Venice dahil mabilis na siyang nahila ni Kyle palabas ng admin’s office.

            “Ang bilis naman talaga gumalaw ni Sir Kyle,” narinig niyang sbai ni Czarina.

The Witchy Writer's Romance [Book 1 & 2] - Published by PHRWhere stories live. Discover now