Book 2: Chapter Seven

36.6K 1K 91
                                    

CHAPTER SEVEN

MALALIM pa rin ang pag-iisip ni Venice matapos siyang maihatid ni Jack sa cottage niya. Naabutan niyang tulog ang ina at hindi pa bumabalik si Chrisee.

Naglalaro pa rin sa isip niya ang mga sinabi ni Jack.

"You're the one who needs to make the sacrifice if you really want to be with Kyle. It's time to choose love over dreams, Venice..."

Napahugot siya ng malalim na hininga.

"It's high time that you make someone happy other than yourself."

Mula sa suot na bestida ay nagpalit si Venice ng sweat pants at sweater. She fixed her long hair into a messy bun and she quietly left. Gusto niyang pumunta malapit sa dagat. Gusto niyang makalanghap ng sariwang hangin.

Paglabas niya ay dumiretso na siya ng beach na malapit lang sa tinutulyan nilang Casita. Tahimik ang buong lugar. Past ten na rin kasi kaya nagpapahinga na siguro ang iba pang mga guests ng club resort.

Umupo siya sa may buhanginan at niyakap ang kanyang mga binti. Nakatingin lang siya sa malayo at hindi sigurado kung ano nga ba ang dapat isipin. Then she heard a sound of laughing voices.

"Akala kasi nila masayang maging kilala na writer. Masaya naman talaga kahit papaano. Pero sobrang pressure ang binibigay nila sa'tin. Inaasahan nila tayong maging perpekto," sabi ng isang boses na parang pamilyar kay Venice.

"Siguro iyon ang kapalit ng 'fame'. I mean, hindi sa sobrang sikat tayo, pero ito palang ang estado natin, hassle na," parang angal pa ng isang boses. "Alam mo iyong, tapos na kasi nilang malaman na magaling tayong magsulat, kaya ang susunod nilang gagawin, kikilatisin na nila pagkatao natin."

"Ganyan siguro talaga. Amateur writers tayo na nagsimula online. Somehow, 'public figure' tayo. Ginagawa nila tayong artista," ani pa ng isa.

Bahagyang lumingon si Venice at may nakita siyang tatlong pigura na mabagal na naglalakad sa buhanginan.

"Masaya kahit paano na makakuha ng atensyon. Masayang mag-entertain. Pero iyong iba, abuso na. Mabait ka sa kanila pero once na may masabi ka lang na mali, ihe-hate ka nila agad. Bash here, bash there, bash everywhere!"

Nagtawanan ang tatlo.

"Mayroong pa ngang mga hater na kung makapanghusga, akala mo alam nila lahat ng nangyayari sa mundo. Iyong feeling pa na mahabang oras na nilaan mo sa pagsusulat ng isang chapter o iyong mga araw na nilaan mo sa pagsusulat ng isang buong istorya...pinagpaguran mo, inisip mong mabuti...tapos hindi lang pasok sa taste nila, lahat na ng masamang salita na puwedeng ibato sa sinulat mo, binato na nila."

"Eh, ganyan naman ang karamihan sa mga tao. Hindi na nila iisipin kung anong mga damdamin ang masasaling nila, masabi lang nila iyong mga opinyon nila. Okay pa iyong mga constructive criticisms, eh. Iyong hindi rude iyong pagpo-point out ng kung anong panget at maganda sa story mo."

"Pero kailangan na nating tanggapin ang lahat ng iyan. Magandang mga puri, masasamang salita...parte na siguro iyan ng pag-abot natin sa mga pangarap natin. Hindi naman kasi mawawala iyang mga ganyan kahit ilang beses mong ipangalandakan at ipaintindi sa kanila na tao pa rin tayo, puwede pa ring magkamali."

Sabay-sabay na napabuntong-hininga ang mga ito.

"Bakit kaya ganoon? Ginagawa mo lang iyong bagay na mahal na mahal mong gawin, nasasaktan ka pa?"

"Parang pag-ibig lang iyan. Nagmamahal ka lang, masasaktan ka pa. Pero dahil doon, mas tumatatag tayo."

"Let's focus on the bright side na lang siguro. We got the chance to publish our stories into books. We also got loyal readers by our side to support us," pagpapalakas-loob ng isa. "When you love something or someone so much, they are worth the pain."

The Witchy Writer's Romance [Book 1 & 2] - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon