Book 2: Chapter Eight

41.7K 1.1K 99
                                    

CHAPTER EIGHT

"KUNG kaya kong iwanan ka, di na sana aasa pa... Kung kaya kong umiwas na, di na sana lalapit pa... Kung kaya ko sana..."

The air inside the room was getting awkward minute by minute. Hindi niya lang alam kung nararamdaman din iyon ni Kyle dahil patuloy lang ito sa pagkanta.

"Ito ang tanging nais ko... Ang ating kahapon sana maulit muli..."

Hindi na makatingin sa kung saan si Venice. All eyes were on her. Ngunit sanay naman siyang magkunwari na parang wala lang nangyayari. Tinutok na lang niya ang mga mata sa screen ng videoke. Iniiwasan niya nang makasalubong ulit ang mga mata ni Kyle.

His eyes held too much emotion that her heart can't contain.

"Kung kaya kong iwanan ka, di na sana aasa pa..."

Napalunok si Venice. Suddenly, nangingilid na ang luha sa mga mata niya.

"Kung kaya kong umiwas na, di na sana lalapit-lapit pa..."

She tried to breathe in some air. Napatayo na lang siya at mabilis na binuksan ang pinto palabas sa loob ng cabin ng yate. Ngunit bago pa siya makalabas...

"Mahal pa rin kita..." Kyle emotionally, sweetly, and whole-heartedly sang the last line like it was straightly meant for her.

And it was really for her. The whole song was entirely sung for her. Because it was like a secret message for her to understand that Kyle undeniably wanted another chance with her.

Nang lingunin niya si Kyle ay sa kanya ito nakatingin. He's softly smiling. Saktong bumagsak ang mga luha niya at unti-unting nawala ang ngiti nito. Hindi na rin nito nagawang kantahin ang mga huling linya ng kanta.

"Venice..." he whispered.

Tumalikod na siya at saka lumabas roon. Hindi niya napansin ang mga nakasalubong sa pagbaba niya ng yate. Tuluy-tuloy siyang naglakad sa buhanginan palabas hanggang sa makarating siya sa kotse ni Kyle.

Nagsimula na lang siyang humagulgol. Napahawak siya sa bibig at tahimik na umiyak. Her shoulders' terribly shaking.

"Venice," she heard Kyle's voice.

Napapikit siya ng mariin at kahit anong gawin niyang pigil sa luha, hindi iyon mapatid sa pagbagsak.

Dumantay ang kamay nito sa balikat niya.

"I-I'm sorry, Kyle... I'm s-sorry..." kusang lumabas sa mga labi niya. Ang lakas ng loob niyang magalit kay Kyle sa pagpili ng kompanya nito noon. Ang kapal ng mukha niyang itago sa sarili na mula noon, si Kyle naman lagi ang nag-a-adjust, ang nagsasakripisyo, ang sumusunod sa lahat ng gusto niya...

Nagmakaawa pa ito noon ngunit naging matigas siya dahil pumasok agad sa ulo niya na pinagpalit siya nito sa trabaho nito. But all along, she was the selfish one. And she knows it but because of her pride, she just blamed it all to Kyle.

She never understood. Hindi niya inisip na paano naman kung siya ang magsakripisyo? She refused or didn't entertain to consider the fact that it's better to be Jan Kyle's wife than to be a famous international author of bestselling books.

Hinarap siya ni Kyle rito at dahan-dahang hinapit ang baywang niya. Then he embraced her so tight. Binaon niya ang mukha sa dibdib nito.

Niyakap lang siya nito nang mahigpit na mahigpit. Lumipas ang mga minuto na hinayaan lang siya nitong umiyak.

"Pasensya na kung napaiyak kita..." bulong ni Kyle habang hinahagod nito ang likod niya. "Ang ganda kasi ng boses ko, eh..."

Sa gitna ng mga luha ay bahagyang napangiti si Venice. "Kyle naman, eh."

The Witchy Writer's Romance [Book 1 & 2] - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon