Chapter Three.

48K 1.1K 64
                                    

CHAPTER THREE

“TWO-HUNDRED FIFTY comments!” bulalas niya. Mabilis niyang binasa ang mga iyon.

            Nag-aaway ang mga readers niya! May nagtataka kung totoo ba ang post niya at may ilan naman na naniniwala sa kanya. But haters had their ways para sirain siya.

            Bakit sa tono ng post mo, parang ang defensive mo? Sabi sa isang comment na nagsimula ng away.

            Eh, baka siya talaga ang author. Natatakot sigurong mas maganda ang movie kaysa sa sinulat niya. Haha!

            Hoy! Hindi totoo ‘yan! Kapag sinabi ni Aurora Rose na hindi siya, hindi talaga siya iyon!

            Oo nga! Nagkataon lang na may hawig sa “The Nameless Lover” yung plot. Mas magaganda pa rin ang gawa niya kahit gawin pang pelikula.

            ‘Yun naman pala, eh. Bakit kailangan niya pang mag-deny?

            Napailing-iling na lang siya at huminto sa pagbabasa. Nangyayari talaga ang mga pag-aaway ng mga readers katulad ng ganoon. At kapag ganoon, siya ang dapat umawat sa mga ito.

Nag-iisip na siya ng puwedeng sabihin upang maawat ang mga ito sa pag-aaway. Tuluy-tuloy pa rin kasi ang paghaba ng comments dahil sa pagsasagutan ng mga ito.

Kilala siyang maldita sa pagpopost niya noon ng mga masasakit na salita at diretsang pakikipag-away sa Facebook. Ginagawa niya lang iyon kapag napupuno na siya at nauubos na ang kanyang pasensiya sa mga taong walang magawa sa mga buhay ng mga ito. Ngunit, napagsabihan na siya noon ni Kyle. Pinagtaasan niya lang ng kilay ito at inirapan noon. Pero pagkatapos naman niyon ay nag-sink in sa isip niya ang mga sinabi nito. Mula noon nag-iingat na siya sa kanyang mga posts. Sa totoong account niya na lang siya nagsasabi ng hinaing dahil wala namang nakakakilala sa kanya bilang si Venice Manansala, maliban na lang sa mga readers niyang loyal na sa kanya sa simula pa lang.

            May naisip na siyang i-post ng mahagip ang kanyang paningin ng isang comment.

            Hay naku! Sinungaling naman talaga kasi yang si Aurora Rose! Sa Love Notes pa lang siya nagsusulat, napaka-sinungaling na niyan!

            Naningkit ang kanyang mata at nagtagis ang kanyang mga bagang. Hindi niya na napigilan ang sarili. Mabibigat ang kamay na tumipa siya ng sagot.

            Shut the fuck up! Lahat kayo manahimik! At kung sino ka mang walang kuwentang tao na alam ang nangyari sa akin noon sa Love Notes, fuck you! Wala kang alam sa mga sinasabi mo! Hindi mo alam ang buong istorya!

            She pressed “Enter” at lumabas na ang comment niyang iyon. Halos bumaon na ang mga letter keys sa kanyang keyboard nang muli siyang tumipa para sa kanyang post.

            Nagtatagis pa rin ang bagang niya. Pinalis niya ang mga luhang dumaloy sa kanyang pisngi.

            Bakit kailangan pang ma-ungkat ang tungkol sa Love Notes noon? Ayos lang siyang matawag na sinungaling sa pagde-deny niya ng tungkol sa pelikula pero ang tawaging sinungaling dahil sa isyu na matagal niya nang pilit na kinakalimutan…

Eleven years ago…

            “CHRISEE! Chrisee!” malakas na tawag ni Venice sa kanyang kaibigan. Excited siyang ipaalam dito ang natanggap niyang balita mula sa pinakasikat na publishing company na naglalathala ng romance pocketbooks sa buong bansa.

The Witchy Writer's Romance [Book 1 & 2] - Published by PHRTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon