Book 2: Chapter Nine

37.3K 1K 36
                                    

CHAPTER NINE

NARAMDAMAN NI Venice ang hesitation ni Kyle. Nang sila pa, ingat na ingat itong may mangyari sa kanila dahil hanggang sa maari gusto nitong gawin ang tama. Ilang beses itong nagpigil.

At kahit gaano man ito kabuti, Kyle isn't a saint. Naisip ni Venice, Kyle should have her. Kyle should take her. Kyle is the only man he'll be willing to give herself to.

They made love.

Once? Twice?

She just lost count after four more days of spending time with him. Sa loob ng halos isang linggo, wala silang pakialam sa mundo.

Nagising si Venice na nakasubsob sa hubad na dibdib ng binata. Napangiti agad siya at bahagyang bumangon upang abutin ang mga labi nito. Doon ito naalimpungatan.

Pakamulat nito ng mga mata ay sumunod agad ang pagngiti.

"Good morning!" masayang bati niya rito.

He caressed her right cheek. "Good morning, pretty witch. How was your sleep?"

She playfully smiled. "Did we even sleep?" biro niya. Sa mga nakalipas na gabi, hindi sila nadapuan ng salitang "antok".

Natawa ito at pinanggigilan ng halik ang left cheek niya. Natawa na lang rin siya at bahagyang lumayo rito. Umupo siya habang kipkip ang kumot sa dibdib. Paupong bumangon rin ito at hinapit ang kanyang baywang. Then, he tenderly kissed her lips and murmured how much he loves her. Naramdaman niya rin ang pag-akyat ng kamay nito sa kanyang buhok. He brushed it by his big hand.

"I miss your curly hair," he whispered. "Gusto ko iyong magulo at kulot mong buhok. Parang si Agnes."

Agad na nangunot ang noo niya. "Sinong Agnes?" mataray na tanong niya. Naging girlfriend ba ito ni Kyle sa tatlong taong lumipas? Pinalo niya ito ng malakas sa dibdib. "Huwag mo nga akong kino-compare sa mga babae mo."

Napakunot-noo rin ito. Parang taka-takang sa sinabi niya. "Babae ko? Wala naman akong-" Bigla itong tumawa.

"At anong nakakatawa?"

"Hindi mo kilala si Agnes?" natatawa pa ring sabi nito. "Selosa."

"Eh, sino ba kasi si Agnes? Bakit magkaparehas kami ng buhok?" Siguro naging espesyal kay Kyle ang babaeng iyon dahil sa pagkakulot ng buhok. Dahil hindi makaget-over sa kanya ang lalaki ay napa-fascinate na ito sa mga babaeng kulot ang buhok, she psychologically thought.

"Si Agnes... si Agnes ng Forevermore. Iyong palabas sa TV?" Natawa na naman ito na parang nakaisa. " Hindi mo ba napapanood iyon? Diba, may TFC naman kayo sa Amerika?"

Napaamang si Venice. Shit. For a moment, she became jealous of a TV character? Ugh!

Hinampas niya si Kyle. "Stop laughing! Hindi mo naman kasi sinabi agad. At saka hindi na kasi ako nakakanood ng mga teleserye..."

Hindi siya nanonood ng mga local shows noong hindi pa sila ni Kyle. Ngunit nang maging magnobyo sila, natutunan niyang manood ng mga teleserye dahil mahilig manood ng ganoon si Kyle. Isa iyon sa mga stress reliever nito lalo pa at naranasan nitong maging TV writer noong college pa lang ito

Kaya nang magkahiwalay sila, nawalan na siya nang gana manood ng mga teleserye dahil hindi niya na ito kasama. Naiiyak lang siya sa tuwing manonood siyang mag-isa at maalala kung paano sila magkulitan ni Kyle kapag nasa harapan sila ng TV at nagdi-diskusyon kung maganda pa ang plot ng mga pinapanood nila.

Kyle hugged her tightly. "I tried to date after a year you cancel our wedding. But it never worked out. Nagiging unfair ako sa mga dine-date ko na lahat naman ay si Khalil lang ang naghanap para sa'kin. Kapag kasama ko sila, ikaw lagi ang naiisip ko. And...it felt so wrong seeing other woman kahit alam kong wala naman na 'kong commitment sa'yo. But maybe that's how the heart works. Alam ng puso ko kung kanino dapat maging loyal..." Dumampi ang labi nito sa hubad niyang balikat. "Napakaimposibleng itigil mo na lang na bastang mahalin ang isang taong hindi lang nag-iwan ng marka sa puso mo kundi sa buong pagkatao mo pa."

The Witchy Writer's Romance [Book 1 & 2] - Published by PHRWhere stories live. Discover now