Book 2: Chapter Ten

43.5K 1.3K 100
                                    

CHAPTER TEN

"ANAK, hindi ka ba muna matutulog? Mahaba pa ang biyahe," sabi ng Mommy niya. "May iniisip ka ba?"

Nanatili siyang nakatingin sa labas ng bintana ng eroplano. Although Kyle assured Venice that he would wait for her and would never fall out of love, sa pakiramdam ni Venice ay may kailangan pa rin siyang gawin.

Ayaw niyang paghintayin si Kyle nang matagal. Pero sa lahat ng commitments niya, napaka-imposibleng makabalik siya ng Pilipinas agad.

"Mommy, I have devoted all my life to writing. Iyong pagsusulat ko, katumbas na ng paghinga ko. Kaya lahat ng puwedeng opportunities na makakapag-grow sa larangan na pinili ko, kinuha ko. Makikipagpatayan pa'ko kapag may sumalbahe sa mga gawa ko. This passion of mine brought me to where I am now. It opened a lot of doors and even windows..." She sighed. "But now, Mommy, naiisip ko... puwede bang ibaba ko muna sandali ang panulat ko? Ang pagiging Aurora Rose ko? I have written a lot of happy endings...when can I get my own?"

Sinandal niya ang ulo sa sandalan at napapikit. "Pero ako talaga ang may kasalanan. Mayroon na sana akong happy ending noon kung natuloy lang ang kasal namin ni Kyle. But I let it slip away."

Marahang hinaplos ng ina ang kanyang buhok. "Huwag mo nang sisihin ang sarili mo, hija. Sa mga nangyari, hindi naman kayo bumagsak ni Kyle. Mas umunlad pa ang mga pagkatao niyo." Tinapik-tapik nito ang kamay niya. "Look at the good side of the situation. Isa pa, hindi pa huli ang lahat sa inyo ni Kyle."

Biglang napatuwid ng upo si Venice. Yeah, there's a way! Agad siyang bumaling sa ina. "Mommy, kausapin ko kaya sila Lauren at ang agent ko? Makipag-compromise ako sa kanila, puwede kaya iyon? Gusto kong sabihin na gusto ko nang umuwi ng Pilipinas to settle down."

"Hmm. But you have booksigning tours until next year at naka-schedule nang lahat iyon, hija."

Napakamot siya sa noo. "Kaya nga po, eh. Pero...baka may paraan, Mommy." Hindi alam ni Venice kung ano ngunit gagawin niya ang lahat.

"Laging may paraan, Venice. Sige, subukan mong makipag-usap kanila Lauren. Susuportahan ka namin ng Daddy mo at ng mga kapatid mo."

Napangiti si Venice. Biglang gusto niya nang makauwi agad ng America at mag-settle ng mga bagay. Pero maya-maya ay naisip niya kung gaano nga pala kahigpit ang mga kontrata sa America. "Mommy, paano pala kung hindi sila pumayag? Paano kung sa hihilingin ko sa kanila ay magalit sila? I mean, I already gave my word to them pagkatapos ay bigla kong babawiin? Ano nang susunod kong gagawin, Mommy, kapag nagkaganoon? I don't want to go to jail," pangamba niya.

Hindi katulad sa Pilipinas, mas mahigpit ang mga kontrata sa ibang bansa. Iyon lang naman ang kinakatakutan niya. She can be put easily to jail kapag may isa siyang nilabag. Dati, wala naman problema sa kanya ang nasa kontrata. Out of the box naman kasi ang pagbalik niya ng Pilipinas. But everything changed. Mas gusto niya nang bumalik kay Kyle.

Her mother grabbed her hand. "Magdasal ka, anak. Oo, hindi magiging madali ang mga bagay-bagay. Gawin mo ang lahat ng makakaya mo. At ang mga bagay na hindi na sakop ng kaya mong gawin ay hayaan mo ang Diyos na ang gumawa."

"Pero, Mommy-"

"Wala nang 'pero-pero', anak. Have a little faith. Desisyon ka ng desisyon sa sarili mo. Hindi ka man lang humihingi ng tulong sa Diyos. Baka kaya nangyayari na 'to para ma-realize mo rin na hindi puwedeng palagi kang nakadepende sa sarili mo at gagawa ka ng mga desisyon na aayon lang sa gusto mong mangyari."

Nilukuban ng guilt ang puso niya. Napayuko siya at napabuntong-hininga. She's not really a faithful person, doon siya nagkulang. Totoong hindi siya pala-dasal at hindi niya nga inaasa sa Diyos ang mga problema niya. Because she thought that she can manage everything. Ngunit hindi pala.

The Witchy Writer's Romance [Book 1 & 2] - Published by PHRWhere stories live. Discover now