17

93 4 0
                                    

Lumipas ang isang linggo pagkatapos ng birthday ni Sept, at hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ako kinakausap. Napapansin na din nina Raven ang pag iwas nito sa'kin pero sa tuwing tinatanong nila ako kung anong nangyari, hindi na lang ako umiimik. Ayokong pati sila ay maapektuhan dahil sa nangyari.



Papasok na ako ng Cassidy ng maabutan ko si Sept sa parking habang pababa siya ng sasakyan. Sinubukan ko siyang tawagin pero tila wala siyang narinig at diretsong naglakad palayo, ang driver niya ay marahang ngumiti sa'kin dahil napansin din niya ang ginawa nito.



"Pasensya ka na ma'am, ilang araw na po siyang ganyan. Kahit kami po sa mansyon ay madalas na rin niyang nasusungitan," pagpapaliwanag nito sa'kin.



"Intindihin niyo na lang po," tipid akong ngumiti bago magpaalam at dumiretso na sa building namin.



Napadaan ako sa building nina Sept, habang naglalakad ay natanaw ko sina Evor at Dylan sa may bench habang may mga kausap na lalaki, binilisan ko pa ang lakad para hindi na nila ako makita pero huli na dahil napalingon na sa direksyon ko si Dylan.



"Raia!" pagtawag niya kaya napatigil ako sa paglalakad at lumingon sa kanila. Nagpaalam sila sa mga kausap nilang lalaki kaya naglakad na ang mga ito papalayo. Naglakad naman silang dalawa palapit sa'kin at lalo akong kinabahan ng makita ang walang emosyong tingin sa'kin ni Evor.


"What's up? San sina Raven?" bungad ni Dylan.

"Baka nasa room na," I gave him a small smile at pasimpleng sumulyap kay Evor pero abala lang ito sa pagtatype sa phone niya.

"Sabay sabay na tayong maglunch mamaya, isasama ko na din si Sept," sagot ni Dylan kaya natigilan ako, nakita ko ring napalingon si Evor kay Dylan dahil sa sinabi nito.

"I'm not sure yet, baka kasi mag overtime na naman prof namin," palusot ko at agad umiwas ng tingin.

"Oh, okay, take your time," nakangiti nitong sagot kaya ngumiti na lang rin ako bago tuluyang umalis doon.

Buti na lang at nag overtime nga ang prof namin kanina, nagkaroon ako ng excuse para hindi sumabay sa kanila ng lunch. Hindi rin pumasok si Raven kaya mag isa lang ako, tinawagan ko siya kanina para itanong kung bakit wala na naman siya at ang tanging sagot niya lang ay may pupuntahan na naman daw siyang importante.

Ayan na naman siya sa palusot na 'yon.

Tapos na ang klase kaya nagdrive na ako pauwi, habang nagmamaneho ay narinig kong tumunog ang phone ko kaya mabilis ko itong tiningnan at nakita kong may nagmessage sa page ng university, wala daw klase bukas dahil may importanteng ganap ang mga teachers.

Biglang pumasok sa isip ko na deadline na nga pala ng isa kong project bukas, pero nasa mansyon ang iba kong gamit para matapos 'yon. Kaya naisip kong doon na lang muna ako matutulog, para matapos ko na din ang mga dapat na tapusin. Nang makarating sa gate ng mansyon ay agad kong natanaw ang isang pamilyar na kotse na nakaparada sa may guard's house, ng maipark ko ang kotse ay agad akong bumaba at lumapit sa nakaparadang kotse....

Laking pagtataka ko ng makitang kotse ito ni Raven, what is she doing here?

Itinuro sa'kin ng maid na nasa garden sina mom kaya agad akong nagtungo doon. Nang makarating ako ay bumungad sa'kin si mom at Raven na seryosong nag uusap, nakatalikod sila dito sa may pinto at nakaharap sila sa pool kaya hindi agad nila ako nakita.

"Hanggang kailan natin 'to itatago? I'm so sick of this shit, she don't deserve this," seryosong pagkakasabi ni Raven kaya napakunot ang noo ko.

Amore and Vains (Lover Series #1)Where stories live. Discover now