13

103 3 1
                                    


Nakabalik na ako sa pagpasok ngayon, and as expected, hindi maiwasan ang mga chismis tungkol sa pagbubuntis ko 'daw'. Si Samuel ang sumundo sa'kin kanina dahil maaga ang klase ni Evor. Sobrang pag-aalala naman nito ng malaman ang nangyari sa'kin noong mga nakaraang araw, hindi siya nakadalaw sa dahil nasa London siya non at inaasikaso ang iba pa niyang requirements. We were eating lunch nina Raven at Samuel ng bigla ding dumating si Sept, kasama si Evor at ang isa pang lalaki. Hindi agad nila kami napansin dahil busy sila sa paghahanap ng table.


"Sept! Here!" pagtawag sa kanila ni Raven, agad na lumingon si Sept at lumapit sa'min, si Evor ay seryoso lang na nakatingin sa aming dalawa ni Samuel.


"Buti na lang at nandito kayo! I'm starving! Puno na lahat ng tables eh," pagrereklamo niya. "By the way, this is Dylan, pinsan ni Evor." pagpapakilala niya sa kasama nilang lalaki, tumayo si Samuel para makipagkilala dito.


"Samuel, pare,"


"Dylan, ang pinakagwapo sa building namin," Dylan laughed his ass off kaya nagtawanan rin kami.


"And these are my bestfriends, Raven and Raia," pagpapakilala ni Sept sa'min kaya nginitian lang namin ang isa't isa.


"Order muna ako, anong sainyo?" tanong ni Sept kina Evor.


"Ako na lang ang oorder, umupo ka na," sagot ni Evor. Patuloy lang ako sa pagkain habang nagkukunwaring hindi sila naririnig.


"Samahan na kita," biglang sabat ni Samuel kaya napatingin ako sa kanya, kinindatan niya lang ako bago sila tuluyang umalis ni Evor.


Dumiretso sila sa labas ng cafeteria dahil madami pang food stalls na nakatayo doon.


"Where's Harriet?" Raven asked while taking a sip on her juice.


"Overtime daw prof nila, puro reklamo na nga sa gc eh, hindi niyo ba nababasa?" Sept said irritately.


"Nakamute ang gc sa'kin," Raven laughed.


"Same here," sagot ko din.


"Mga fake friends kayo," Sept murmured.


"Mukha mo, fake," Dylan teased kaya sinamaan agad siya ng tingin ni Sept.


"Hindi ka kasali. Hanggang dito lang ang usapan," Sept fired back at umakto pang hinaharangan ang pwesto ni Dylan. Napailing na lang si Dylan habang tumatawa.


Ilang minuto pa ang lumipas ng makarinig kami ng sigawan galing sa labas ng cafeteria, nagsilabasan ang mga estudyante para tingnan kung anong nangyari kaya sumunod na rin kami. Pagdating namin sa labas ay naabutan namin ang isang sirang stall, sira na din ang ibang upuan dito at sa gilid ay nakita namin sina Evor at Samuel na abala sa pakikipagsuntukan sa tatlong lalaki. Sinuntok ni Evor ang isa sa mga ito kaya agad itong bumagsak sa isang silya na muling ikinasira nito, habang si Samuel ay abala sa pagsangga sa suntok na pinapakawalan ng isa pang lalaki.


Akmang susugudin pa ng mga ito si Evor pero agad nitong nadampot ang isang silya at inihampas dito. Hindi na makabangon ang sinuntok niya kanina kaya agad itong nilapitan ni Evor at kwinelyohan, halata ang takot sa mukha ng lalaki. May sinabi pa dito si Evor na mahina lang kaya hindi na namin narinig, agad namang nagtatakbo ang tatlo palayo, sinipa pa ni Samuel ang isa sa mga ito kaya pagapang itong umalis doon. Nakita ko ang dugo sa labi ni Evor habang si Samuel ay may dugo sa noo kaya agad akong tumakbo papalapit dito.

Amore and Vains (Lover Series #1)Where stories live. Discover now