21

51 3 0
                                    

"Talaga!? Then nasaan siya?" excited kong tanong sa kanya.



"She's.... somewhere, hindi ko alam," tipid itong ngumiti at pasimpleng umiwas ng tingin. Naglakad siya papalapit sa view ng dagat kaya sumunod ako rito, nakita kong kinuhanan niya ng litrato ang tanawin.



"You like taking pictures," I laughed.



"Only to this place," he whispered softly.



"Weird, pero noong nakita ko ang picture nitong lighthouse, natuwa talaga ako. Pakiramdam ko, sobrang malapit 'to sa'kin, ang gaan sa pakiramdam," I smiled and hugged myself dahil lumalamig na ang simoy ng hangin. Umalis sa tabi ko si Trevor at tumakbo papunta sa kotse niya, ibinalik ko ang tingin sa dagat, naramdaman kong may pumatong na bagay sa balikat ko.



Nilingon ko iyon at nakita kong ipinatong pala ni Trevor ang jacket niya roon.



"Thanks," I smiled, nahihiya.



"Huwag ka ng mahiya, magkabigan na tayo 'di ba?" tumawa ito, nang aasar.



"Of course, sasama ba ako sa'yo rito kung hindi kita bet?" nakita ko ang pagngisi ni Trevor dahil sa sinabi ko, bahagyang nanlaki ang mata ko at doon ko lang napagtanto ang huli kong sinabi. "I mean, kung hindi kita bet maging kaibigan.... iyon ang ibig kong sabihin," pagbawi ko at ngumiti ng peke dahil sa hiya.



"Anything you say," nakangisi pa rin nitong sagot.



Umupo kami sa damuhan at nanatiling tahimik, nakatingin lang si Trevor sa harapan habang tinatanaw ko ang mga bituin sa itaas.



"Sa sobrang hilig ko sa constellations, lumawak na ang imagination ko sa pagfoform ng mga bagay sa bituin," mahina akong tumawa, tumingin siya sa'kin habang seryoso ang ekspresyon, parang may iniisip.



"She used to love star," he whispered, gazing at me.



"Everyone love stars, who doesn't?"



"Sa tuwing tumitingin ako sa mga bituin, marami akong naaalala.... masaya, karamihan masakit," ngumiti ito, ngunit bakas ang lungkot sa mga mata.



"Why?"



"Hindi ko rin alam,"



Hindi na ako sumagot, ilang saglit ang lumipas ay kinuha na namin ang mga pagkain sa sasakyan para makakain na kami, lumalalim na rin ang gabi at parehas na kaming nagugutom. Una kong kinain ang ice cream, syempre. Marami pa kaming pinag usapan, tungkol sa pag aaral niya, tungkol sa trabaho ko at iba pa. Hindi ko alam kung bakit sobrang gaan ng pakiramdam ko sa kanya kahit ilang araw pa lang kaming magkakilala, hindi ko maipaliwanag, pero masaya ako.



Hindi na namin namalayan ang oras, 11 pm na ng magpasya kaming umuwi, ng makaupo ako sa shotgun seat ay napansin kong bukas ang screen ng phone kong nakapatong sa dashboard ng kotse, iniwan ko ito rito kanina dahil palowbat na rin, ayoko ng gamitin pa dahil baka tuluyang magshutdown. Tiningnan ko ito at halos mapamura ako ng makita ang mga messages at missed calls mula kay Samuel. Tatawag na sana ako pabalik pero agad ng namatay ang phone ko.



This shit! Ngayon pa talaga?



Paniguradong nag aalala na 'yon, sana naman hindi pa niya naisipang tawagan si dad dahil sa sobrang pag aalala, mukhang mapapauwi ako ng maaga pag nagkataon.



"Bakit?" napalingon ako kay Trevor na nagtatakang nakatingin sa'kin, mukhang nakita niya ang reaksyon ko.



"Ang daming text at missed calls ni Samuel, nakalimutan kong magtext sa kanya kanina, siguradong nag aalala na 'yon," reklamo ko habang pilit na binubuhay ang phone ko.



Amore and Vains (Lover Series #1)Where stories live. Discover now