11

133 3 0
                                    


"Who did this to my daughter!?"


"I d-don't know that girl tito, but Raia know her,"


"Tatawagan ko ang kaibigan kong abogado, hindi ko ito palalampasin! My daughter almost died!"


"I'm really sorry tito at hindi ko siya natulungan, it's just that.... I'm so scared, madami sila,"


"Huwag mong sisihin ang sarili mo, alam kong ayaw din ni Tracy na madamay at masaktan ka pa,"


Nakapikit pa rin ako pero rinig na rinig ko ang mga nag-uusap sa paligid ko, pamilyar ang mga boses. I slowly open my eyes and I blankly saw my mom sitting beside me while holding my hand. Agad niya akong niyakap ng makitang gising na ako, naramdaman ko ang pagkirot ng katawan ko ng yumakap siya sa'kin kaya agad akong napaiwas.


"It hurts," mahina kong ungol.


"Sorry, sweetie. How are you? Anong masakit?" buong pag-aalala niyang tanong.


"Lahat,"


"Don't worry. Ang dad mo na ang bahala sa mga gumawa sa'yo nito,"


I slowly roam my eyes inside the room, I'm here again in the hospital. Nandito rin sina Sept and Harriet, worriedly staring at me.


"Who did this to you, Tracy?" bakas sa tono ni dad ang pagpipigil ng galit.


"Not now, dad. Ayoko muna ng stress," mahina kong sagot habang sinusubukan na ayusin ang pwesto ko.


"Mas maiistress ka at tayong lahat kung hindi mapaparusahan ang gumawa sa'yo nito. You almost died, Tracy!" he shouted.


"Dad, please.... huwag ngayon, magpapahinga na ako," kalmado kong sabi at tinalikuran sila para magkunwareng matutulog na ulit ako.


"Lalabas na lang muna kami ng mom mo para bumili ng pagkain," bumuntong hininga lang siya. Alam niyang wala siyang magagawa.


"How are you, Sept?" tanong ko ng makalabas na sina dad.


"Gaga ka! Hindi ba dapat ako ang nagtatanong nyan sa'yo? Ikaw 'tong puro pasa at galos eh," pinipilit niyang huwag humikbi.


"I'm fine. As I said, matagal mamatay ang masamang damo,"


"Thank you for kicking that girl's ass just to save me. Paano na lang ako kung wala ka?" Sept sounded emotional.


"These are just bruise.... gumagaling," I smiled to soften her. "Sayang lang at hindi natuloy ang roadtrip natin,"


"Sayang ang mga snacks," Harriet pouted.


"Wait, where's Raven?" nagtataka kong tanong ng maalala siya.

Amore and Vains (Lover Series #1)Where stories live. Discover now