29

21 3 0
                                    


Lumipas ang ilang araw, wala kaming ibang ginawa ni Trevor kundi kumain o hindi naman kaya ay pupunta sa may garden para doon tumambay. We talked about life, mga bagay na gusto at ayaw namin, plano sa future at kung ano ano pa. At sa mga araw na lumilipas, mas lalo ko siyang nakikilala, mas lalo kong nakikilala ang totoong siya, his soft and tough side.... his flaws and imperfections that he hated the most, but makes me fall harder on him. Trevor knows how to calm my soul.... the way he cracked those old school jokes that made me annoyed and giggled at the same time.... the way he caressed my face everytime I'm starting to tear up when I'm telling a story about my struggles in life.... and the way he kissed my forehead before going to bed like I am his precious daughter. I never imagined myself being here with him, my goals were already set, pero sa isang iglap ay nabago ang lahat.



Am I being selfish because of what I am doing right now? Dahil mas pinili kong layuan ang sarili kong pamilya kesa harapin sila? Pagiging selfish na ba ang matatawag ko doon? But being with this man, feels like floating on a cloud nine, I feel so safe and secure at the same time.


Trevor is my safe place.... and he will always be.


Tuwing gabi ay busy lang si Trevor sa harap ng laptop nya habang kausap ang iba sigurong kliyente, I kinda felt guilty dahil kinailangan nyang iwan ang responsibilidad nya sa Pilipinas para lang samahan ako rito, kahit ang med school ay nagawa nya ring iwanan. Naabutan ko siyang nakaupo sa couch, blangko ang ekspresyon habang may kausap sa phone, pero ng makita nya ako ay agad siyang ngumiti at nagpaalam sa kausap nya.


"Hindi ko alam kung kailan ako babalik diyan, ikaw na muna ang bahala sa ospital," huli nyang sinabi bago tuluyang ibaba ang tawag.


"Is everything okay?" tanong ko at umupo sa tabi nya. Maingat naman nya akong kinabig palapit sa kanya at isinandal ang ulo nya sa balikat ko, ang kamay ay nakayakap sa tiyan ko.



"Everything is fine, si Dylan lang yung kausap ko," he tightened his hug. Hindi ko alam kung bakit hinahayaan ko na lang siya tuwing ginagawa nya 'yon, maybe because masarap din sa pakiramdam tuwing nararamdaman ko ang balat nya sa katawan ko.



"Are you sure? You look tired, magpahinga ka muna," I whispered while running my fingers through his hair. Gustong gusto nya na ginagawa ko 'yon.


"Nagpapahinga na ako," he said softly at bahagyang tumingala sa'kin.



"My face is turning red, isn't it?" natatawa kong tanong dahil alam kong mapapansin na naman nya ang pamumula ng mukha ko dahil sa mga banat nya, inunahan ko na.



"Yes, baby."



"I knew it," I chuckled at napatingin sa center table, nakapatong roon ang laptop nya at nakita kong may inaayos siyang files, "Mukhang marami ka pang gagawin, dapat may enough energy ka. Do you want a coffee? Ipagtitimpla kita,"



"Yeah, pero ako na lang ang magtitimpla, diyan ka na lang," sabi nya at kumalas sa pagkakayap sa'kin, dumiretso siya sa kusina.



Habang hinihintay siya ay binuksan ko rin muna ang laptop ko, hindi pa ako nakakabili ng bagong phone dahil hindi pa ulit kami nakakapunta ng mall, sa ibang araw na lang siguro. Habang nagbobrowse sa laptop ay narinig kong tumunog ang phone ni Trevor, nasa tabi iyon ng lamesa kaya marahan akong lumapit doon para silipin kung sino ang tumatawag, baka kasi si Dylan o importanteng kliyente. Nagtaka ako ng makita ang nakarehistrong pangalan sa screen, "Mr. M"

Amore and Vains (Lover Series #1)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن