44

18 3 0
                                    


"What's the matter with you!? Ilang taon na, Ria! Hindi mo pa rin kayang makita ang lalaking 'yon!? Hanggang ngayon naaapektuhan ka pa rin!? Hindi ka pa rin tapos!?" Samuel shouted at pabagsak na binitawan ang hawak nyang libro.


Nagbabasa lang siya ng libro habang nagpapahinga dito sa living room, kadarating lang nya pero hindi pa daw siya inaantok, dito na lang daw muna siya. Kaya kinuha ko na rin ang pagkakataon para kausapin siya tungkol kay Trevor. And I was shocked because of his reaction.


"Why are you shouting!? I'm just saying na sana sinabi mo sa'kin ang tungkol doon bago ka nagdesisyon! Hindi sa apektado pa rin ako pero alam mo kung anong mga nangyari noon! Ilang beses kong iniwan at sinaktan yung tao tapos out of nowhere, pagkatapos ng ilang taon, iimbitahin ko siya sa engagement ko!? Hindi pagiging affected ang tawag sa pagdedepensa ko, Samuel! Pagrespeto 'yon!" I yelled in anger.


"Ngayon pa talaga, Ria? Ngayon mo talaga ako uumpisahan tungkol sa bagay na 'yan? Tangina, tambak ang trabaho ko sa opisina, hindi ko pa nga natapos dahil kailangan ko ng umuwi dito, tapos eto pa ang ibubungad mo sa'kin!? Kailan mo ba ako maiintindihan? Kailan mo iintindihin ang nararamdaman ko!? Wala ka namang pinagkakaabalahan, ako na nga ang nag aasikaso sa lahat! Ano pang gusto mong gawin ko?" muli nyang sigaw, kahit ang mga maids na naglilinis sa paligid ay mas pinipili na lang na umalis doon.


"Don't you ever.... ever.... tell me that I didn't try my best to understand you! Everyone knows that I did everything for you! Those things that I gave up just to be by your side! I gave you everything that I can give! Kaya wala kang karapatan na pagsalitaan ako ng ganyan! Hindi ko hiningi sa'yo na ikaw ang mag asikaso ng lahat, ginusto mo 'yan kaya wala akong kasalanan. At itong usapan na 'to, hindi na lang 'to basta tungkol sa pag imbita mo kay Trevor ng hindi ko alam, tungkol na 'to sa ating dalawa." I looked at him furiously.


"Ria naman," he stood up to held my hand pero marahas ko iyong iniiwas.


"Sa susunod na gagawan mo ako ng bagay o pabor na hindi ko naman talaga hiningi at gagamitin mo lang na panumbat sa'kin sa huli.... huwag na lang, hindi ko kailangan." diretso ko siyang tinalikuran.


"Madaling araw na, ate." I heard Raven's low voice. "Ihahatid na kita, mamaya na ang engagement party mo 'di ba? Dapat nagpapahinga ka na ngayon."


"Dito na lang muna ako, ayokong umuwi. Hindi ako makakapag isip ng ayos kapag alam kong nasa paligid si Samuel." nakahiga ako sa sofa nya habang tulala sa kisame.


Ilang bote na rin ng alak ang naubos ko, dito ako dumiretso sa unit nya pagkatapos ng away namin ni Samuel, gusto ko munang magpalamig.


"Nagdadalawang isip ka na tungkol sa kasal?" she sat on the floor beside. Nakahalumbaba siya habang ang siko ay nakatuon sa natitirang space sa gilid ng sofa.


"Nag away lang kami, hindi naman tama na dahil lang don, aatras agad ako."


"Pag isipan mo ng mabuti," she said in a sharp tone. Tumayo siya at nagsimulang damputin ang mga boteng nagkalat sa sahig. "Habang maaga pa, gawin mo kung ano talagang gusto mo. Hindi yung kapag planado at handa na ang lahat, tsaka ka tatakbo palayo. Huwag ka sanang umabot sa puntong 'yon, ate.... dahil ayokong kamuhian kita.

Amore and Vains (Lover Series #1)Where stories live. Discover now