03

194 19 0
                                    


After school, sa wakas ay nakauwi na din ako sa penthouse. 2 days lang akong nawala pero nakakamiss agad, nagbabad muna ako sa bathtub para marelax ang katawan kong medyo masakit pa din. Sa ilang taon kong pagstay dito, nasanay na akong mag-isa at mas nagustuhan ko 'yon. It makes me feel calm and peaceful all the time, mas nakakafocus rin ako sa pag-aaral.


I started to do my schoolworks na pinatake home sa'min ng prof, first day pa lang pero tambak na agad ang gawain. I'm on the last page of answering my tasks when my phone suddenly rangs and the moment I saw the name of the caller, I already knew what it's all about, isang demonyo na naman ang mag-aaya.


"Oh?" bungad ko sa kanya.


["San ka?"] tanong ni Raven, kasabay non ay may naririnig rin akong ingay sa paligid nya na parang may nag-aaway, mukhang ang dad na naman nya 'yon. Pero hindi na 'yon bago sa'kin, at mas lalong alam kong ganoon rin sa kanya.


"Pass," tamad kong sagot sa kanya dahil ayokong magpakainom na naman siya dahil sa sama ng loob.


["Luh, first time mong umayaw sa alak ah?"] gulat nyang tanong at mahinang tumawa.


"Busy ako." I answered.


["Libre ko,"]


"Sure, magbibihis lang ako, san ka? Sunduin kita, hehe." mabilis kong sagot sa kanya, minsan lang siya manlibre kaya hindi ko na palalampasin 'no. Babantayan ko na lang siya para hindi malasing ng sobra, baka mamaya mapaaway na naman kami.


["F*ck you, Mendez!"] sigaw nya sa kabilang linya at binabaan ako ng tawag.


Nagmamadali kong tinapos ang ginagawa ko at nag-ayos na agad. I wear a denim jeans and a white fitted longsleeves paired with my white stilettos. I also wear my favorite necklace, it has a gold pendant, letter V that stands for the first letter of my name. I put some powder and red lipstick.


Matapos kong sunduin si Raven sa kanila, malakas na tunog at maraming tao ang bumungad sa'min pagpasok pa lang ng Club Central. Karamihan sa mga tao ay pamilyar ang mga mukha dahil puro students din ng Cassidy. I didn't expect na ganito karami ang tao kasi it's weekdays and it's monday for petesake! Tuwing weekends lang naman dumadami ng ganito ang mga tao dito. Of course, I know that, suki ako dito 'no.


Kaninang umaga pa pala nagpareserve ng lounge itong babaeng 'to. Grabe ha, kagagaling lang namin dito kagabi at dito siya nasapak, wala talagang kadala-dala. I just hope na wala dito ang babaeng nakaaway namin kahapon, mas mahirap na ngayon kasi may iba pa kaming kasama, baka madamay pa sila kapag may nangyari na namang gulo. Dumiretso kami sa lounge at agad siyang nag-order ng mga alak. While waiting sa order ay dumating na rin sina Sept and Harriet, they are also my bestfriend since grade school just like Raven. But when we enter college, Harriet and Sept take the field of medicine while me and Raven enters the fashion industry kaya minsan na lang kami makapagsama-sama. Dumating ang dalawa na parang nag-aaway pa.


"Anong problema nyong dalawa?" tanong ko sa kanila.


"Eto kasing si Harriet, ayaw maniwala na si Evor ang vocalist ng band nila tonight, duhh! You know, I'm the greatest stalker," maarteng banat ni Sept at inismiran ang katabi.


"Who's that?" I asked, nagtataka.


"No! I heard earlier na si Aki ang vocalist," kunot noong sagot ni Harriet.


Amore and Vains (Lover Series #1)Where stories live. Discover now