47

14 3 0
                                    


"Tangina," pinilit kong tumawa kahit walang tigil ang pagpatak ng luha sa pisngi ko. "Isang araw lang ang lumipas.... d-dalawa na agad ang nawala sa'kin. A-ang gago naman ng panahon, hindi man lang ako pinagpahinga saglit."


"Tama na, Ria. Akin na 'yan, matulog ka na.... halos magdadalawang araw ka ng ganyan, wala ka pang pahinga." hinihigit na sa'kin ni Gwen ang hawak kong bote ng beer, sa kabilang kamay ko ay naroon naman ang baso na may lamang vodka.


Si Gwen ang pinuntahan ko noong matapos ang away namin ni Samuel. Kasama pa ni Denice ang pamilya nya at ayaw ko munang guluhin sina Harriet, ayoko ng makadagdag pa sa pinagdadaanan ng mga kaibigan ko.... mas lalo lang akong nasasaktan. Hindi ko pa rin naman nakikita si Gwen simula noong umuwi ako kaya minabuti kong sa kanya dumiretso ngayon. Alam kong nabigla rin siya sa nakitang estado ko noong kumatok ako sa pinto nya, dahil alam nyang ikakasal na ako, kaya expected nya.... maayos ang takbo ng buhay ko ngayon. Sana nga ganoon.... pero hindi.


Hindi pumabor ang panahon sa'kin.


"Anong sabi nina dad? Pakisabi na okay lang ako, huwag na silang mag alala, uuwi ako kapag kaya ko na." diretso kong nilagok ang laman ng bote. Bago ko pa man masaid ang laman ay marahas na itong kinuha ni Gwen, pati ang basong hawak ko ay inilayo na nya sa'kin.


"Paanong hindi mag aalala sina tita? Bigla ka na lang umalis ng walang pasabi.... nakipaghiwalay ka kay Samuel.... umatras ka sa kasal, Ria. Sinong magulang ang hindi mag aalala dun? You left everything behind.... kahit sina Raven, hindi mapakali dahil sa pag aalala." her voice is calm yet edgy.


"Maiintindihan nila ako," I gave her a genuine smile before gaping her hand. "Alam kong maiintindihan nila ako."


"How about Samuel? You can't just leave him like that, he didn't deserve that, Ria. You need to clear things out."


"I know," I gasped. "Hindi ko naman ginustong humantong kami sa ganito. I tried hard, Gwen.... lahat ng kaya kong gawin, ginawa ko. Kaya lang...."


"Kaya lang.... hindi siya ang totoong laman nyan?" pagtutuloy nya sa sasabihin ko habang nakaturo sa dibdib ko.


Tahimik akong ngumiti. Kahit anong iwas ang gawin ko, alam kong sa isang tao pa rin ako uuwi. Isang taong nagparamdam sa'kin ng lahat ng pwedeng maramdaman sa mundo. Malungkot man o masaya, lahat ng 'yon.... may malaki siyang parte.


Kahit kailan o kahit saan ako magpunta.... palagi ko siyang kasama.


"I need to see him, Gwen." buong kumpyansa kong sabi.


Natigilan siya, lumamlam ang ekspresyon. "I saw his story earlier, he already left for Italy."


"If that's the case.... I'm going to Italy."


"Ria," palabas na sana ako ng pinto ng marinig ko ang malalim na boses ni dad. Palihim lang akong umuwi para kumuha ng damit, akala ko ay wala sila sa bahay.


"I'm sorry dad, but I have to go." simple kong sagot, nanatiling nakatalikod.


Amore and Vains (Lover Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon