09

145 3 3
                                    


Kasama ko ngayon sina Raven, Sept and Harriet. Nandito kami sa mall para bumili ng susuotin namin sa darating na birthday ni Sept. Sept is organizing a fancy party on their mansion and she invited almost half of the students in Cassidy. Well, she's an only child and a spoiled brat from a well-known family of doctors so it's easy for her to socialize on events like this. Kaming tatlo lang nina Raven at Harriet ang abala sa paghahanap ng susuotin dahil nagpatahi na ng gown si Sept, may sarili siyang designer.


"Ano ba yan! Kanina pa tayo dito, tapos wala pa din akong mahanap na maganda!!" pagrereklamo ni Harriet habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kamay niya.


"Kaya nga, kapag ako talaga nainis, magbibikini na lang ako. Namimiss ko na pool niyo Sept, pwede kaya?" sabi naman ni Raven habang inaasar si Sept.


"Pwede, Gusto mong lunurin kita?" mataray na sagot ni Sept sabay siring kay Raven.


"Swimming lang eh, damot. Huhu," pagmamaktol ni Raven habang umaacting na naiyak.


"Magpatahi na lang din kaya tayo ng gown? What do you think Raven and Raia?" suggest naman ni Harriet.


"Pwede, pero ako magdedesign ng gowns," pabiro kong banat.


"Omg! Oo nga! Pwede 'yon!!" Harriet exclaimed.


"Good idea, babe. Ikaw na lang magdesign ng gowns niyo ni Harriet, then ako na lang ang sa'kin, practice na din natin 'to for our course," Raven agreed.


"Sa designer mo na lang kami magpapatahi, Sept," muling imik ni Harriet.


"Yeah, sure! Irush niyo na lang ang designs niyo para hindi madaliin ang pagtatahi," Sept stated while busy typing on her phone.


"Rush ampota, 1 month pa bago ka magbirthday. Excited ka masyado," pagrereklamo ni Raven, magkasalubong ang kilay.


"Hindi lang naman gown ko ang ginagawa eh, pati iba kong relatives, doon din nagpagawa," Sept rolled her eyes.


"Itatry ko ng magstart later," sabi ko.


"Thanks babe! Yung medyo kita ang dibdib ha para medyo expose ang cleavage," Harriet winked at me kaya tinaasan ko lang siya ng kilay.


"Sana all may cleavage," natatawang sabi ni Raven.


"What? Baka naman magalit ang boyfriend mo kapag ganoon ang suot mo?" nakataas ang kilay kong tanong kay Harriet.


"Sana all may boyfriend," Raven mocked.


"Happy ka Raia? Kailan pa ako nagkaboyfriend? Si Raven lang naman ang meron eh," Harriet frowned disgustingly.

"Okay lang 'yan, huwag na tayong magcommit. Mag-inom na lang tayo!" I giggled.


"Wala na akong jowa, Harriet. Late ka na sa news," natatawang singit ni Raven.


"Kailan pa?" tanong ko. Hindi alam kung magugulat ba o matatawa na lang. Hindi ko sinasabing expected ko na 'to pero natatawa pa rin talaga ako.

Amore and Vains (Lover Series #1)Where stories live. Discover now