45

14 3 0
                                    


"Parang pinupukpok ang ulo ko hanggang ngayon," reklamo ko habang pababa ng hagdan, sapo-sapo ang ulo ko dahil kumikirot pa rin.


"Deservedt," napalingon ako ng marinig ang boses ni Raven, nilampasan nya ako at naunang bumaba.


Teka, anong ginagawa nya dito? Dito ba siya natulog?


"Told ya, she's awake." muli kong narinig si Raven pagdating ko sa dining.


Naabutan ko sila nina Harriet at Denice na nakatambay sa counter top habang nagkakape. Si Sept naman ay abala sa kanyang niluluto.


"Bakit kayo nandito? Ang aga nyo namang mambulabog," iritado kong tanong.


"Excuse me? Dito kami natulog 'no, kagigising nga lang namin." Denice frowned.


"Bakit dito kayo natulog?" I raised a brow.


"Support," Raven take a sip on her coffee.


"So, ano? Tuloy pa ang kasal?" napaawang ang bibig ko ng marinig ang tanong ni Sept.


"W-what? Of course, tuloy pa rin! Ano bang meron? Para kayong tanga!" I urged in confusion.


"Oh, wala siyang alam." Denice laughed.


"Tanga ka ba? Kagigising ko lang, hindi pa nga tumatakbo ng ayos ang utak ko tapos gaganyanin nyo ako. Bakit 'di nyo na lang ako saksakin?"


"Tss, we all know that he's back. Nagkita na ulit kayo.... at alam mo ang nangyayari tuwing nagkikita kayo. Stop avoiding the truth, saulo ka namin.... and the way you reacted last night? Obvious na mahal mo siya.... mahal mo pa rin siya." Harriet stated na para bang pinag aralan nya ang sasabihin nyang 'yon.


"The fuck are you talking about? Ikakasal na ako kay Samuel. Tumigil kayo." 


"He still wants you," Sept shrugged.


"Habang mahimbing ang tulog mo kagabi, muntik ng magbasagan ng mukha iyang ex at fiance mo." natatawang sabi ni Harriet.


"Iba ang kagwapuhan ni Trevor 'no? Kahit nasuntok na, ang lakas pa rin ng dating," Denice chuckled, hinampas pa nya ang balikat ni Harriet na kunwaring kinikilig.


"A-anong nangyari kagabi?" parang nabuhusan ako ng malamig na tubig dahil sa nalaman.


"Naabutan ni Samuel si Trevor na lumabas ng kwarto mo. Syempre, may tama na ng alak ang fiance mo, kung ano-anong naisip, hindi naman kasi nya alam ang nangyari sa'yo kagabi at nagmagandang loob lang si Trevor na ihatid ka sa kwarto para makapagpahinga ka na. Ayun, narinig na lang namin na may kumalabog sa taas, tapos pag akyat nga namin, halos nagpapatayan na 'yong dalawa." pagkekwento ni Harriet.


"Si T-trevor ang nagdala sa'kin sa kwarto?" my jaw dropped in embarassment. "Shet. Isang napakalaking shet."

Amore and Vains (Lover Series #1)Where stories live. Discover now