10

138 3 1
                                    


Agad akong napabalikwas sa kama, nandito nga pala si Evor. Kailangan kong magluto ng almusal para naman makakain kami bago pumasok, ngunit paglabas ko ng pinto ay naamoy ko agad ang bagong lutong sinangag, pagdating ko sa kusina ay naabutan ko siya na tanging apron lang ang suot na pantaas habang abala sa pagpiprito ng itlog.


"Goodmorning," he greeted.


"Morning. Grabeng makapagtopless ah? Place mo?" sarkastiko kong tanong sa kanya.


"Astig nga, hindi ako nahohomesick. Gusto mo, maging roommates na lang tayo para di ka lonely dito?"


"No thanks. Sanay na akong mag-isa," pagtataray ko sa kanya.


"Let's eat, baka malate na naman ako," pagyaya niya habang abala sa pag-aayos ng lamesa.


"Parang sanay na sanay ka sa gawaing bahay. Iyong totoo, wala ba kayong katulong? Mayaman ka ba talaga?" natatawa kong tanong sa kanya.


"Bata pa lang kami, tinuruan na kami ni mom ng household chores para kapag nagdesisyon na daw kaming mamuhay ng sarili namin, hindi kami mahihirapang mag adjust," pagkekwento niya. Nakatitig lang ako sa kanya. Sa mga kilos at pananalita niya, hindi siya katulad ng ibang mayayamang tao na ginagamit ang yaman para magpasikat at magyabang. Hindi mo aakalain na isa siyang tagapagmana ng mayamang pamilya, napaka down to earth.


"Done admiring my face?" pang aasar niya, hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakatitig sa kanya.


"You wish!" I rolled my eyes.


"Kumain ka ng madami, masarap 'yan," mayabang niyang sabi. Well, sa mga ganitong bagay lang talaga 'to nagyayabang eh.


"Nagluto ka agad, pinayagan ba kitang gamitin ang kitchen ko?" tanong ko sa kanya.


"Kung hinintay pa kita, for sure malalate na naman tayo. Ako na ang bahalang maglinis ng pinagkainan natin, nakaligo na naman ako,"


Wow, he also know how to wash the dishes.


Biggest turn on: Marunong maghugas ng plato.


"Okay yaya, thanks," nang aasar kong sagot sa kanya.


Hindi ako masusundo ni Evor ngayon dahil may importante daw siyang lakad, hindi ko na naman siya kinulit dahil pwede naman akong sumabay kay Raven. It's already 6 pm ng matapos ang klase namin ni Raven, sakto namang nag-aya ng dinner si Samuel at dahil pagod at gutom na kami, we decided na kumain na lang sa isang resto malapit sa Cassidy. Pagpasok namin sa resto ay nakita agad namin si Samuel na nakaupo sa isang table habang hinihintay kami. Kumaway siya sa-min at sumenyas na lumapit, pumwesto ako sa tabi ni Samuel habang nasa tapat namin si Raven. Habang busy sa pag order si Samuel at Raven ay nabaling ang atensyon ko sa isang babae at lalaki na magkatabi at nakapwesto sa harapan namin, pamilyar ang figure nila pero imposible.... bakit naman sila magkasama?


Hindi ko na lang sila pinansin at inabala ko na lang ang sarili ko sa pakikipagkwentuhan kina Samuel, hindi maubusan ng chika 'tong si Raven, palibhasa matagal ding hindi nakita si Samuel. Sila ni Raven ang pinaka una kong nakilala bago pa sina Sept noong grade school pa lang kami.

Amore and Vains (Lover Series #1)Where stories live. Discover now