24

38 3 0
                                    


"Naayos ko na ang lahat ng mga permits, pinuntahan ko na rin ang ibang staff para kausapin, at pupuntahan ko na rin mamaya ang mga napatahing outfits," pormal na pahayag sa'kin ni Samuel habang nakaupo ako sa tapat nya, nandito kami sa board room ng CMC para mapag usapan ang mga final touches para sa events the day after tomorrow.


I just nod my head, lumipas na ang ilang linggo mula nung nangyari ang sagutan namin at simula din non ay hindi na kami masyadong nakakapag usap ng maayos, umalis na rin siya sa hotel at mas piniling magstay sa bahay ng parents nya. Nagtataka sina Denice nung una at pilit akong kinukulit kung ano ba daw ang nangyari pero mas pinili ko na lang manahimik, ayokong lumala pa ang nangyari. Alam kong nasaktan siya sa ginawa ko, at dahil dun ay hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad sa kanya, hindi ko magawang iapproach siya ng kaswal tulad noon dahil pakiramdam ko'y masyado ng makapal ang mukha ko, na parang hindi ko siya pinagbuhatan ng kamay.



"Thalia, ikaw na lang ang sumama kay Samuel mamaya para kuhanin ang mga outfits, pupuntahan pa namin ni Denice ang resto na nakaassign sa mga pagkain," sagot ko.


"Noted," tumango lang si Thalia at ipinagpatuloy ang sinusulat nya sa notebook.



"Yung mga matitira, kapag nakuha na nina Samuel ang mga outfits, kayo na ang bahala na mag organize ng mga 'yon, put a designated labels sa mga damit para alam natin kung sino ang magsusuot, para hindi na tayo mahirapang mag ayos sa araw ng event. Is everything clear?" tanong ko habang binubuklat ang folder ng mga nagawa naming design, buti na lang at inapprove agad nina Trevor ang unang set ng mga design na iprinesent namin sa kanila ng kapwa nya interns, hindi na kami nahirapang magrevise.



"Noted, madam," sagot ni Denice.



"Mauna na kami. Tara na Thalia, baka matraffic pa tayo," tumayo na si Samuel sa pwesto nya at kinuha ang ibang folder sa tapat nya. Napadaan ang tingin nya sa'kin ngunit ng makita nyang nakatingin rin ako sa kanya ay agad siyang umiwas ng tingin, tumalikod na siya at agad na siyang sinundan ni Thalia.



"What!? Paanong hindi pa tapos? Ibinigay na natin ang mga designs sa kanila 2 weeks ago! What the hell!?" napamasahe ako sa sintido ko at padabog na ibinato ang bag ko sa kama, kadarating lang namin ni Denice galing sa resto at saktong dumating rin sina Samuel at Thalia na mukhang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha, wala pa raw sa kalahati ng mga designs namin ang natatapos tahiin.



"Marami daw customers kaya hindi nila maprioritize," sagot ni Thalia.



"High class na tailoring shop sila diba? Hindi ba sapat ang mga tauhan nila roon? Malaki na ang ibinayad natin sa kanila dahil ang usapan ay kaya nilang matapos ang lahat ng 'yon within 2 weeks, tapos ganyan ang ipapalusot nila? Gosh, I can't believe them, iba talaga ang takbo ng business dito sa Pilipinas kumpara sa London, mas commited ang tao doon kesa rito," I groaned in disappointment.



"Tangina, yari tayo ngayon," kahit si Samuel ay hindi na rin mapakali sa pwesto nya.



"Kailangan nating maghanap ng ibang tailoring shop, hindi tayo pwedeng sumabit rito, pare parehas tayong magpupulot ng career sa putikan pag nagkataon," tumawa pa ng mahina si Denice pero bakas na rin ang kaba sa mukha nya.



"Sa putikan talaga tayo pupulutin, kalat na sa ibang advertising platforms ang event na 'to, dahil na rin sa pangalan ni Trevor kaya madaling kumalat ang balita, alam nyo naman kung gaano kasikat sa industriya ang pamilyang Carson," wika naman ni Thalia.



"Paniguradong may mga press din na darating sa event para kumuha ng pangheadline," tamad na sagot ni Samuel.


Amore and Vains (Lover Series #1)Where stories live. Discover now