22

53 3 0
                                    

"Kumpleto na ba ang mga gagamitin natin? Ayokong may masayang tayong oras dahil lang sa may nakalimutan tayo," tanong ko kina Denice habang nasa sasakyan kami, papunta kami ngayon ng ospital dahil magsisimula na ang trabaho namin.



"Yup, kumpleto na," mabilis na sagot ni Denice, hindi man lang ako tinapunan ng tingin dahil busy siya sa paglilipstick.



"Kuya, pakibilisan nga ang pagdadrive," pagtawag ko sa driver kaya agad akong nilingon ni Denice, nakasimangot.



"Eto naman eh, napaka sama ng ugali," she pouted.



"Ang tagal mo na nga sa kwarto kanina tapos hindi mo pa rin natapos ang pag aayos mo?" I rolled my eyes.



"Syempre! Makikita ko ang crush ko mamaya kaya dapat mas pretty ako ngayon," sagot nya at itinuloy ang paglalagay ng lipstick.



"Feeling highschool ampota," Thalia frowned while shaking her head, kinuha niya ang container na lalagyan namin ng mga gamit, siya na ang nagcheck ng laman non. "Kumpleto na 'to, madam," she answered.



"Good to know. Mas maaasahan ka talaga kesa sa isa diyan," pagpaparinig ko kay Denice kaya padabog nyang itinago ang lipstick nya.



"Thanks sa support ha," Denice said sarcastically while faking a smile.



Sasagot pa sana ako pero naramdaman kong tumigil na ang sasakyan, nasa tapat na kami ng Carson's Medical Center. Naunang bumaba si Samuel at isa isa kaming inalalayan pababa. Dumiretso kami sa board room para doon magprepare, pagkatapos ay pumunta na kami sa ward ng mga pasyente.



At doon, muli kong nakita ang batang babae na nakausap ko sa garden noong nakaraan, nakaupo ito sa hospital bed at masayang nakikipagkwentuhan sa iba pang batang pasyente roon. Lalapitan ko na sana siya para kausapin pero agad akong natigilan ng makita ko sina Trevor, kasama niya ang iba pang interns habang papalapit sa'min, naramdaman ko na naman ang mabilis na kabog sa dibdib ko kaya agad akong umiwas ng tingin sa kanila at diretsong naglakad papunta sa tabi ni Samuel.



"Good morning," bati sa'min ni Trevor, binati siya pabalik nina Denice habang tipid ko lang siyang nginitian. Hindi pa rin mawala ang pagkabog sa dibdib ko lalo na nung marinig ko ang boses niya.



Hindi ko na alam kung ano bang nararamdaman ko, hindi ko alam kung bakit ganito na lang ang epekto niya sa'kin. Nitong mga nakaraang araw, hindi ko maiwasan na isipin siya, how he held my hand when I'm sufferring those head pains. I haven't think of someone like this, kahit bago ako matulog, mukha niya ang nakikita ko. But this is kinda weird, wala pang isang buwan na magkakilala kami, I can't fall for him that fast, imposible. I'm only here for my job, not for any man kaya mas mabuti pang doon na lang ako magfocus.



"Are you okay? Bat ang tahimik mo?" bumalik lang ako sa katinuan ng marinig ko ang boses ni Samuel, nagtataka itong nakatingin sa'kin habang may hawak na medida.



"O-okay lang ako. Tapos na ba kayo?" tanong ko.



"Not yet, marami pa 'to," umiling siya.



"Uhh, okay. Take your time, pero kung matatapos kayo ng mas mabilis, mas okay para makabalik na agad tayo ng hotel," sagot ko.



"Why? May problema ba? Sumasakit na naman ba ang ulo mo?" sunod sunod nyang tanong at hinapit ang bewang ko para mapalapit ako sa kanya.



"Oo, medyo sumasakit pero kaya ko pa naman," pagpapalusot ko. Hindi naman talaga sumasakit ang ulo ko, gusto ko lang na makaalis na agad kami rito para makalayo ako kay Trevor.



Amore and Vains (Lover Series #1)Where stories live. Discover now