20

57 3 0
                                    

"Beautiful as ever, mi amore...."



Napalingon ulit ako sa kanya, napaawang naman ang bibig niya ng makita ang nagtataka kong pagtitig sa kanya dahil sa mga salitang kanyang nabanggit. Kinuha nito ang librong nasa harapan niya at marahang itinaas iyon para ipakita sa'kin.



"Sorry, mukhang napalakas ata ang pagkakabasa ko sa nakasulat dito sa libro," he awkwardly smile at binitawan ang libro.



"Uhh? Ang cheesy naman ng line na 'yon, well, cheesy but romantic," I giggled. "What book is that?" tanong ko ulit.



Tiningnan niya ang libro at binasa ang nakasulat sa cover nito. Hmm? He was reading that book and he didn't even know the title? Weird. Mahina siyang natawa at napailing ng mabasa ang title nito, tumingin ulit siya sa'kin, "The Girl In The Red Lipstick,"



"Author?" I asked.



"Not familiar, it was an Italian author," he shrugged.



"Interesting," I smiled again at lumabas na ng pintuan. Hindi ko alam kung bakit komportable ako habang kausap siya, hindi naman ako ganito makipag usap sa ibang kliyente namin noon. Pero siguro dahil na rin sa magka edad kami kaya hindi na ako masyadong naging pormal, he's a little bit weird pero iba pa rin ang pakiramdam ko sa kanya, para bang matagal na kaming magkakilala.



"Samuel," pagtawag ko kay Samuel habang naglalakad papalapit sa kanila, katabi niya ang apat pa naming kasama habang abala ang mga ito sa paglalaptop, mukhang may ipinaasikaso na naman sa kanila ang boss namin.



"Nagkausap na kayo?" tanong ni Samuel, tumango lang ako bilang sagot at umupo sa tabi nya. "How was it? Bakit parang wala ka sa mood? May nangyari ba?" nagtataka pa nitong tanong, inihilig ko lang ang ulo ko sa balikat niya dahil nakakaramdam pa rin ako ng jetlag.



"Nah, he's kind.... but I find him weird. I don't know, siguro naninibago lang ako na may makaharap na bagong tao, nasanay lang kasi ako na kayo ang lagi kong nakakasama," tamad kong sagot at ipinikit ang mata ko.



"Fine, 5 minutes," he laughed habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang kamay niya.



"What?" I yawned.



"You can rest on my shoulder for 5 minutes, may meeting pa tayo, Raia," muli siyang tumawa at ipinagpatuloy ang paghaplos sa buhok ko kaya lalo akong inantok. Maya maya lang ay naramdaman ko na may tumatapik sa balikat ko, unti unti kong iminulat ang mga mata ko at tumambad sa harapan ko si Mr. Carson, nakatayo lang ito sa harap ko habang nakatitig.



Shit. Kanina pa ba siyang nakatitig sa'kin? Nakakahiya. Naramdaman kong nakahilig pa rin ako sa balikat ni Samuel at siya rin ang tumatapik sa'kin para gisingin ako, agad akong umayos ng upo.



"A-ahm, sorry," I apologized, nilingon ko si Samuel sa tabi ko. "Akala ko ba 5 minutes lang? Bakit parang ang tagal kong tulog?" nakasimangot kong tanong.



"Relax, 10 minutes ka lang nakatulog. Ako na ang nag adjust kasi mukhang pagod na pagod ka," he smiled.



"Thank you," ngiti ko pabalik.



"Hintayin ko na lang kayo sa board room," nagulat ako ng umimik si Mr. Carson sa harapan namin atsaka ito naglakad paalis. Nakatingin lang ako sa kanya habang naglalakad siya palayo.



"Kanina pa ba siyang nasa harapan natin?" tanong ko kay Samuel.



"Hindi, pumunta lang siya dito para tawagin na tayo kasi ang tagal daw natin. Bakit hindi mo sinabi na pinapasundo lang pala niya kami sa'yo kaya ka bumalik rito?" nagtataka niyang tanong.



Amore and Vains (Lover Series #1)Where stories live. Discover now