07

161 5 0
                                    


Kotse ni Raven ang gamit namin dahil nasira ang daw ang bumper ng kotse ko, hindi ko alam kung saan dinala ng Evor na 'yon, ang dami pa pala naming unfinished business ng lalaking 'yon, once talaga na makarecover ako ng tuluyan, magtutuos kaming dalawa.


Halos maghahatinggabi na, naglinis lang ako ng konti dito sa unit para maexcercise ang katawan ko, mabisa daw 'yon sabi ng doktor para maunat ang buto ko. Matutulog na sana ako ng may mareceive akong text, ng tingnan ko ay galing ito sa isang unknown number.


From: Unknown Number

"Labas"


Huh?? Wrongsend ba 'to at inutusan pa ako??


"cnU b4 itoh??" pagkasend ko ay humagalpak ako ng katatawa, malas mo at sa'kin ka pa nawrongsend. Wala pang ilang minuto ay nagreply na ito.


:Unknown Number

"Jejemon huh?"


"HaL4Ta bah?" reply ko.


:Unknown Number

"Labas" 


"iNuutuSaN moh bah Ako?"


:Unknown Number

"This is Evor, ms. jejemon"


Agad akong napabalikwas ng bangon. Teka, paano niya nalaman number ko? At bakit niya ako pinapalabas?


Oh my gosh, hindi kaya nasa baba siya?


"Oh tapos?" reply ko ulit.


:Unknown Number

"Pwede bang lumabas ka na? Bumaba ka na dito at kanina pa akong pinagpepyestahan ng mga lamok, maawa ka naman sa gwapo kong mukha"


Gago, nasa labas nga.


"gago! baka prank lang yan ha, mababatukan talaga kita"


:Unknown Number

"Gwapo ako pero hindi ako manloloko"


Walang duda, si Evor nga 'to.


Nagjacket muna ako bago lumabas, nakapajama lang din ako, hindi ko na naman kailangan pang mag-ayos na parang makikipagkita sa jowa. Maghahatinggabi na kaya sobrang lamig na ng simoy ng hangin. Nang makababa ako sa parking ay naabutan ko si Evor na nakasandal sa kotse niya, nakapajama lang rin at hoodie.


Matching yArn?


"Sa wakas, dumating na ang kamahalan," bungad niyang wika habang pumapalakpak pa.


"Pumunta ka dito ng dis-oras ng gabi para lang mambwiset?" mataray kong tanong sa kanya. "Kung ano man ang issue mo sa buhay, huwag mo akong idamay. Punta kang bar, iinom mo na lang 'yan."

Amore and Vains (Lover Series #1)Where stories live. Discover now