48

14 3 0
                                    


"Kung kanina pa siguro akong umalis, baka ngayon, magkaayos na kami ni Trevor." reklamo ko habang nakasakay kami sa elevator pababa ng lobby. Halos magdadalawang oras akong nag antay dahil sa kabagalan nilang kumilos.


Alam kong tototohanin nila ang pagsunod sa'kin kaya mas magandang isabay ko na lang talaga sila para mapigilan ko kung may kagagahan silang gagawin.


"Woah, this is Trevor's building?" napaawang ang labi ni Raven.


"Nagulat ka pa," Harriet chuckled.


"Dito na lang kayo sa baba maghintay, hindi ko pa alam kung nasa office siya or baka may meeting." sabi ko kina Harriet, sabay sabay naman silang umupo sa malaking couch na nasa gilid ng reception area.


Magtatanong na sana ako sa receptionist ng bigla nitong iabot sa'kin ang isang kulay black na card habang nakangiti ng malapad. Nagtataka ko itong tiningnan, meron lang itong logo ng company nila at may nakasulat na VIP sa ibaba.


"What is this for?" I humbly asked.


"You are one of our VIP here, Miss. Maybe you forgot, but.... Mr. Carson introduced you to us when you visited here a few months ago." the receptionist answered politely kahit halata dito ang konting pagtataka.


I remembered it but.... I thought he already withdraw that VIP thing. Natatandaan ko na noong huli akong pumunta dito ay ipinakilala ako ni Trevor sa ibang tauhan nya, na kapag pumunta daw ako dito anytime ay hindi ko na kailangan pang humingi ng appointment.


"Ah, thank you." yun lang ang tanging naisagot ko sa receptionist at dumiretso na papasok.


"Ms. Mendez?" I saw Ressa walking towards me. Hindi ko agad siya nakita dahil inililibot ko ang tingin sa paligid.


"Hi, Ressa," nahihiya kong bati. "I know that this is unexpected, but.... is Trevor here?"


"Yeah, he's in his office," she smiled. "I'm actually on my way to him, let's go."


"Sir," Ressa knocked on the foggy tinted glass door.


"Come in," I heard Trevor's voice, tila may kausap ito. Bakit parang palalim ng palalim ang boses nya sa pandinig ko?


I'm just holding my breath the moment she opened the door and let me enter first. Hindi ko magawang tumingin sa unahan pagkapasok ko kaya hinintay ko munang makapasok rin si Ressa. I saw how her jaw fell when she looked directly at me.... or should I say, behind me. Sinundan ko iyon ng tingin at nakita kong nakaupo si Trevor sa swivel chair nya.... at nakaupo naman sa harapan ng lamesa nya si Lauren.


"Eh-ehem," Ressa cleared her throat to call their attention.


Natanaw ko ang pagkunot ng noo ni Trevor ng dumako ang tingin nya sa'kin. Si Lauren ay mabilis na bumaba sa lamesa at hinila pababa ang skirt nyang nagusot dahil sa pagkakaupo.

Amore and Vains (Lover Series #1)Where stories live. Discover now