27

34 3 0
                                    


"Nakapagpabook na ako ng flight, ayusin nyo na ang mga gamit nyo," kaswal na sabi ni Samuel, nakatayo siya sa may likuran namin nina Denice dito sa pool side. Pagkahatid ni mang Abner sa'kin kanina ay naabutan kong gising na si Denice kaya niyaya ko siyang magswimming, hindi kasi ako natuloy kanina.



"Anong oras?" tanong ni Thalia habang hinahalo ang hawak nyang shake.



"9 am,"



Nagkatinginan kami ni Denice dahil sa sinabi ni Samuel, ngunit napansin kong nakatingin rin sa'kin si Samuel kaya agad kong pinutol ang tinginan namin ni Denice.



"Ilang pinabook mo?" tanong naman ni Denice.



"Lahat tayo,"



"Ano?" hindi ko na napigilang mapalingon kay Samuel, halata rin ang gulat sa mukha nina Thalia dahil sa inasal ko.



"Bakit? Sasama ka sa'min pabalik sa London, Ria." Samuel's expression hardened pero nanatiling kalmado ang boses nya.



"We already talked about this, Samuel! Ano bang hindi mo maintindihan sa mga sinabi ko!? Ganoon na ba kahirap umintindi ng simpleng bagay sa panahon ngayon?" padabog akong tumayo sa may hagdan ng pool at mabilis na kinuha ang bathrobe na nakapatong sa upuan.



"Ako ang hindi mo maintindihan, Ria." bumuntong hininga siya.



"Ako pa ngayon? Nag usap na tayo, Samuel. Kung ang inaalala mo ay si dad, huwag kang mag alala dahil ako na ang bahala, kaya kong ipaliwanag ang sarili ko sa kanya,"



He looked away immediately and fake a laugh, "Hindi mo pa rin talaga nakukuha ang lahat ng 'to, Ria. Wala ka pa ring naiintindihan sa mga nangyayari dito,"



"What the fuck are you saying? Anong ibig mong sabihin!?" I exclaimed in anger. Nararamdaman kong sobrang init na ng mukha ko dahil sa galit.



"Wala, wag mo ng subukang alamin,"



"Paano ko maiintindihan kung ganyan na lang palagi ang sinasabi nyo? Mukha ba akong manghuhula? Tangina, may amnesia na nga tapos paghuhulain pa ako. Ang husay nyo rin," I laughed sarcastically.



"Tama na, Ria," sinubukang higitin ni Denice ang kamay ko para umalis doon dahil pinagtitinginan na kami ng ibang tao.



Pwersahan kong hinigit ang kamay ko sa kanya at muli akong humarap kay Samuel na ngayon ay blangko ang ekspresyon habang nakatitig sa sahig.



"Ano? Wala ka bang sasabihin? Paulit ulit na lang tayo sa issue na 'to ah? Hindi ka pa ba nakakapagdesisyon kung magsasabi ka na sa'kin ng totoo o hindi? Tumatakbo ang oras, Samuel," I raised my brow.


"Ayoko lang na mapahamak ka ulit. Sasama ka sa'min sa ayaw at sa gusto mo, wala ka ng magagawa," tinalikuran nya ako.



"I thought you're different. But you know what? Fuck you! Fuck all of you that's been lying straight to my face the entire time! Ang kakapal ng mukha nyo!" I shouted kaya bahagya siyang lumingon sa'kin, "And you're saying that you can force me to go back to London? Oh c'mon, try me,"



Ngayon alam ko na, nakumpirma ko na mismo. They are really lying to me, marami silang itinatago sa'kin, hindi ko alam kung ano pero ang tanging alam ko lang ngayon.... ayoko na. Pagod na akong magtiwala tapos sisirain lang ng ganoon kadali, pagod na akong mabuhay sa kasinungalingan ng sarili kong mga mahal sa buhay.



Agad ko siyang nilampasan at naglakad palayo, sumakay ako ng elevator pabalik sa hotel room namin. I need to pack my things, kailangan ko ng umalis dito, ayoko ng magtagal pa rito dahil hindi ko na alam kung sino pa ang dapat kong pagkatiwalaan sa kanila. I want to go somewhere, far away, kahit saang malayong lugar basta malayo sa kanilang lahat. Kinuha ko lahat ng damit ko sa cabinet at mabilis na inilagay sa maleta ko, hindi ko na inayos ang pag iimpake, wala na akong pakealam kung gusot gusot 'yon. Nagpalit na rin ako ng damit, isang oversized shirt at maong na short na lang ang isinuot ko, iniayos ko lang rin ang buhok ko as messy bun.

Amore and Vains (Lover Series #1)Where stories live. Discover now