26

34 3 0
                                    


"May iba ka pa bang lakad ngayong araw?" tanong sa'kin ni Trevor sa kalagitnaan ng pagkain namin, nandito kami sa may garden, sa tabi ng pool.


"May plano akong puntahan.... kaso hindi ko alam kung itutuloy ko pa ba," kaswal kong sagot at humigop sa kapeng tinimpla nya kanina.


"Saan?"



"Diyan lang sa tabi tabi,"



"Kung may mga gusto kang puntahan ngayong araw, papasamahan kita sa driver ko para hindi ka na mahirapan, halos alam naman non ang lahat ng pasikot sikot dito sa Batangas,"



"Huwag na, kaya ko naman, magpapahatid na lang ako pabalik sa hotel pagkatapos natin dito," pagtanggi ko.



"I insist, Trace. Maganda na yung may kasama ka, huwag kang mag alala, mapagkakatiwalaan naman si mang Abner." sa tono nya ay alam kong hindi 'yon magpapatalo.



"Fine, pero okay lang ba sa kanya? Ikaw? Hindi ka ba magpapadrive sa kanya?" sinubukan ko pa ring humanap ng butas para hindi na nya abalahin pa ang driver.



"Hindi ako nagpapadrive kung dito lang din naman ang pupuntahan ko. Minsan ko lang siya isama, tuwing may out of town meeting ako dahil hindi ko na kayang magdrive ng sobrang layo," paliwanag nya kaya napabuntong hininga na lang ako bago tumango.



Bago ako matulog kagabi ay nagresearch ako tungkol sa Cassidy, natatandaan ko ang ibang impormasyon doon pero hindi lahat, halos pili lang ang naaalala ko tungkol doon.



"Good morning ho mam Ria, patapos na ho ako rito, pasensya na rin ho at hindi ko kayo masyadong nakausap kanina nung sinundo ko kayo," hiyang hiya si mang Abner habang abala sa pagpupunas sa harapan ng kotse, nakatayo lang ako sa gilid habang hinihintay siyang matapos sa ginagawa, nagmamasid rin ako sa paligid, may guard house rin sila malapit sa gate, may mga bermuda grass sa harapan, simple pero napaka eleganteng tingnan.



"No problem po, ngayon pa lang din po tayo nagkakilala kaya alam kong naninibago pa tayo sa isa't isa. Ituloy nyo lang po ang ginagawa nyo diyan, hindi naman ako nagmamadali," nginitian ko siya.



"Saan ho ba ang lakad nyo, mam? Marami hong magagandang pasyalan rito,"



"May gusto lang po sana akong puntahan pero hindi na ako masyadong pamilyar sa address non, matagal na rin ho kasi akong hindi nakakauwi rito," nag aalangan kong sagot, hindi ko pa rin alam kung itutuloy ko bang pumunta doon.



"Taga rito ho kayo?" halatang nasorpresa ito sa nalaman.



"Opo, dito ako lumaki kaso noong naaksidente ako ay sa London na ako namalagi kasama ang aking ama, doon ko na rin po itinuloy ang pag aaral ko." pagkekwento ko, tumango tango siya dahil sa sinabi ko. Sa kanyang postura ay hindi mo aakalaing isa lang siyang driver, siguro ay kasing edad lang siya ni dad. Mukha siyang kagalang galang.



"Sandali, naaksidente ba kamo? Bakit? Anong nangyari sa'yo mam?" tanong nya ng tuluyang maanalisa ang mga sinabi ko.



"Car accident ho, 5 years ago."



"Ay naku, salamat sa nasa itaas at nakaligtas ka, alagaan mo hija ang pangalawang buhay na ipinagkaloob sa'yo. Bihira lang ang pinagkakalooban nyan," sagot ni mang Abner at bahagyang itinigil ang ginagawa para tumingin sa'kin.



"Salamat po," I smiled gently.



"Tara na ho," magalang na sabi ni mang Abner at binuksan ang pinto sa backseat, sumakay ako roon at nagpahatid muna sa hotel para makapagpalit.

Amore and Vains (Lover Series #1)Where stories live. Discover now