Chapter 22

6.4K 419 165
                                    

Chapter 22

"Napanood ko ang interview kay Rogue kagabi."

I was thankful that my friends was not asking me about what happened yesterday, but totally avoiding issues about him was really impossible. Isang teacher ng Hasse ang isinugod dito sa Imogen dahil sa hypertension at ang kasama niyang co-teacher ay kinukwentuhan siya tungkol sa interview kay Rogue sa isang sikat na late-night talk show kagabi.

"His movie will have its premiere next month," the patient said. "Pero sobrang daming issues pa rin ang lumalabas tungkol sa kanya."

Inilayo ako ni Drea sa kanila at pinaupo sa harap ng nurse desk. She shook her head in disbelief, watching the two teachers gossip about Rogue.

"Balita ko rito nagtatrabaho 'yong nurse na nai-post niya sa IG. Ang playboy naman pala. Crush ko pa naman siya."

"Hindi naman ikaw ang gusto kaya manahimik ka," bulong ni Georgina na tumabi sa akin.

Nilingon namin siya ni Drea. May isinusulat siya sa clipboard at halatang naiinis na rin siya sa dalawang teachers na nagtsitsismisan.

"May nakakita rin ata sa kanila sa Dainties kahapon."

"Ang landi ng nurse na 'yon. Hindi ba siya aware na may girlfriend si Rogue? Bakit nakikipaglandian pa siya?"

Nakikipaglandian?

My other nurse friends were busy, but I knew they were also all ears based on how they kept on glancing at the two employees of Hasse.

Magsasalita sana si Georgina pero tumayo na ako, at kinausap ang guardian ng batang pasyenteng pwede nang ma-discharge.

"Are you okay?" Claudine asked me after talking to a paramedic.

Tumango lang ako bilang sagot.

"Pwede n'yo na pong i-settle ang bill," kausap ko sa magulang ng batang pasyente. I smiled at the kid and caressed her hair. "Ask your mom first before eating something, okay?"

Naisugod ang bata dito sa ER dahil sa matinding allergic reaction. Magang-maga ang mukha niya dahil sa pagkain ng chocolates. Mabuti na lang at naagahan dahil hirap na hirap na siyang huminga kanina at maaaring napasama pa kung hindi ito umingi sa magulang.

Hindi sila sumabay sa akin paglabas ng Imogen dahil hindi pa sila tapos mag-endorse. Nagpaalam ako sa kanila na uuna na pauwi dahil sa tindi ng antok ko.

I heard footsteps behind me so I slowly turned around just to see Dr. Monreal, holding a bouquet of pink tulips. Mukhang kalalabas lang niya ng OR.

He handed me the flowers and smiled.

"Justice—"

Naputol ang pagsasalita ko dahil bigla siyang tinawag ng isa pang doctor, si Dr. Aseo.

"I need to go back inside now. Ingat ka!"

Patakbo niyang nilapitan si Dr. Aseo at sabay silang pumasok sa Imogen. I resumed walking towards the parking. Muntik na akong mapatalon nang may sumulpot sa poste na isa pang lalaki.

Tinanggal ko ang kamay ko sa dibdib at seryoso siyang binalingan. "Why are you here?"

My heart was still pounding fast as if I ran a marathon.

Pumasada ang mga mata ko sa suot niyang black shirt, ripped jeans, at sneaker boots na nagmumura ng pangalang Louis Vuitton. Hindi rin napalagpas ng paningin ko ang suot niyang relo. Rolex?

Hinubad niya ang sunglasses na LV rin at nagpakita ang walang emosyon niyang mga mata.

"We have a shooting here in Laguna for two weeks," he said. "I just dropped by to see you." Tiningnan niya ang hawak kong bulaklak.

The Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon