Chapter 28

6K 295 88
                                    

Chapter 28

I immediately pushed Justice away from me. Dumistansya pa ako, hindi pa rin humuhupa ang gulat sa nangyari. Leaning against the counter, I averted my eyes from him.

"I'm sorry, Ragna," he said.

Mas tumuon pa ang kanan kong kamay sa counter. We both knew it was an accident, but I felt really uncomfortable. Kinuha ko sa counter ang mga baso at inilagay sa tray. Lumabas ako ng kusina at sinundan niya ako.

"Justice, anong ginagawa mo rito?" tanong ko nang malapit na kami sa garden kung saan inilipat ng girls ang pahabang mesa mula sa veranda.

"To check up on you and the twins. Maraming reporters sa Imogen kanina at nag-aalala ako sa inyong tatlo."

Inilapag ko ang tray sa table at awtomatiko nila kaming nilingon. I glanced at Phoebe whose face cracked into a smirk. Pasimple siyang lumapit sa akin at hinawi ang buhok kong kinulot niya ang dulo kanina.

"Ako ang nagsabi sa kanya na nasa kusina ka," bulong niya sa tenga ko. "Look at the designer clothes and shoes, and the smell of his perfume. Oh, God! So manly." Pinasadahan niya ng tingin si Justice na ngayon ay kinakausap na ni Maxine.

Gusto ko siyang sabunutan pero pinigilan ko ang sarili. Kung pinaghintay niya si Justice sa labas, hindi mangyayari iyong sa kusina.

Pilit at sarkastiko ang ngiting ibinigay ko sa kanya. "Let's talk later, Phoebe. Tatamaan ka sa akin."

She smiled back at me, unbothered with what I had said and kissed me on the cheek. Inayos niya iyong electric grill pan para sa binili nila Drea na samgyeopsal sa malapit na Korean store.

"Doc, papasok ka pa lang?" tanong ni Claudine kay Justice.

"Yes, dumaan lang ako rito dahil sa news," sagot ni Justice at ibinalik ang tingin sa akin. "I wanted to check if they're okay."

"1 point for Dr. Monreal," Georgina whispered to me. Nilingon niya si Phoebe na nasa kaliwa ko. "Sinong manok mo? Pustahan tayo."

"Rogue ako," sagot ni Phoebe.

"Sige, kahit maka-Rogue rin ako, pupusta pa rin ako kay Dr. Monreal," excited na sabi ni Georgina.

Mabuti na lang at kinakausap nila Maxine at Claudine si Justice. Kung hindi ay narinig na niya ang kalokohan nitong dalawa sa tabi ko. Si Drea, na naglalabas ng mga alak mula sa eco bag, ay natatawa kay Georgina at Phoebe.

"Ragna?" tawag sa akin ni Justice.

Tinanguan ko siya at iniwan na ang girls. Umuna ako pagpasok sa bahay at nakita ko sa living room, sa mismong coffee table, ang isang bouquet ng long stem red roses. Sa itsura pa lang nito ay alam kong mahal ang bili niya.

He picked up the bouquet of flowers and handed them to me.

Wala na akong nagawa kundi tanggapin ito. "Thank you."

Sinenyasan ko siya na maupo sa katapat kong couch at saka ako naupo.

"Mabuti at walang nakapasok na reporters dito sa area n'yo," simula niya.

I just nodded, still thinking about the accidental kiss. Ibinaba ko sa tabi ko ang bulaklak.

"Can I ask you something, Ragna?"

Umangat ang tingin ko sa kanya, pinapanood niya ako. "What is it?"

"Does that actor still come here—"

"Mommy!" tawag sa akin ni Halona.

Nagmamadali siyang bumaba ng hagdan kaya napatayo ako. Tumakbo siya palapit sa akin at itinaas ang kanan niyang kamay bilang pagbati kay Justice. She turned to face me and touched the curls of my hair.

The Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon